CHAPTER 3

294 9 16
                                    

Everything in life is gonna hurt you, you just have to figure out which people are worth the pain.

 

 

=='

After 2 hours of exchanging vows, dumiretso na silang lahat sa reception ng kasal. Sa isang garden napagdesisyunan idaos ang reception ng kasal, at katulad na nga sa inaasahan ay kung gaano ka-garbo ang simbahan ay lalo naman ang reception.

Hindi muna pumasok si Jhiro sa reception at nagpaiwan muna ulit,tatawag muna siya sa Manila para i-update ang report nila.

And after chu chu minutes of petrifying call. He  decided to head up sa reception, "nakakagutom magalit", isip isip niya.

Pagbukas niya ng pinto ng sasakyan ay nakasabay niya nang pagbukas ang kotse na kararating lang din at kakapark lang.

==’ “Jhiro, how are you?” Si Elise, Elise is Lemmor’s cousin, and Elisha’s bestfriend.

“Fine.” Sagot ko saka ako nagsimulang maglakad.

“Uh. Hey wait. Ganyan ka ba? Hmp. Tagal natin di nagkita tapos isnob mo lang ako? Hate you.”

“Hindi ka ba nagmamatured? Isip bata ka pa rin? Tss.”

“Amp?! Ikaw napaka, di pa rin nagbabago! May sasabihin pa naman ako sayo.”

“Thanks nalang, Im not interested either.”

“You sure? Baka magulat ka or matuwa ka pa pagsinabi ko sayo.” Pang uudyo niya pa saken.

“I said, Im not…”

“Interested” pagtatapos niya sa sasabihin ko with an evil grin in her face, bigla akong natigil sa paglalakad ko at sa pagsasalita. Nakatitig ako ngayon sa babaeng nakatingin samen sa gate ng reception. “Jhiro, meet Elisha. You know her, RIGHT?” hindi ko alam kung nangaasar o nanguudyo lang siya, pero hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, si Elisha.

“Panget!” asar niya saka patakbong pumasok sa loob ng reception. Tsk. Parang bata talaga, tanda tanda na tumatakbo pa. Naglakad na ko, papunta sa direksyon nila. Ngumiti ako. Natutuwa ba ko? Darn. Dapat nagagalit at naiinis ako sa kaniya!

“Hey.” Magiliw na bati niya saken.

“Y-yeah, kamusta?” batik o sa kaniya.

“Never been better J hindi pa rin siya nagbabago, sobrang masayahin pa rin siya. Nakakainis gusto kong pisilin ang pisngi niya! “Ikaw? Nice ah, nag-gym ka ba? Parang lumaki katawan mo?”

“Im good. Hindi, natural nay an. Hehe.” Sagot ko.

“Weee. Hahahaha.” Sheet, walang pinagbago sa tawa niya?! Nakakatuwa parang walang nagbago sa kaniya. T-Teka? Bakit ba ako natutuwa, naiinis  dapat ako sa kaniya, kung umarte siya parang wala siyang ginawa saken. Parang walang past na nangyari samen. Tsk.

BITTER AKO!!! (PERIOD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon