Chapter 19

7.3K 135 2
                                    


MAGKAHAWAK-KAMAY na naglakad sina Marjory at Jason papunta sa council's office. Well, Marjory was holding his hand. Nakabuka lang ang kamay ni Jason, ayaw hawakan ang kamay niya.

Ang daming nangyari mula nang maganap ang sunog last week. Sinusubukan ni Marjory at Jason na mabuhay nang normal kahit wala na ang grotto. Nahihirapan silang mag-adjust ngayong abo na lang iyon. Parang hindi na kompleto ang araw nila ngayong wala na ang grotto.

Hindi pa rin makapaniwala si Marjory. Ang taong grasang sumunog sa grotto at ang nagtangkang pumatay sa kanya ay ang tatay pala ni Jason na si Macoy. Kahit naghihingalo si Marjory, narinig niya ang pagtawag ni Jason sa ama nito. Nakatakas si Macoy sa mental institution sa Taytay. Hindi na makilala ang katawan ni Macoy dahil natupok ito ng sunog. Pero tumestigo si Jason na ama niya ang lumikha ng sunog sa eskuwelahan.

Wala pang inilalabas na police report tungkol sa kaso na iyon. Nangangalap pa ng ebidensiya ang mga pulis na makakapagpatunay na ama ni Jason ang gumawa ng naunang dalawang sunog sa Taytay at kumitil ng dalawang buhay.

Naagapan ng mga bombero ang pagkalat ng sunog sa buong kagubatan ng eskuwelahan. Nasunog lang ang grotto at ang kalapit na gubat.

Naospital si Marjory pagkatapos ng nangyaring sunog. Unfortunately, she received minor burns on her legs and arms. May benda ang kanyang mga braso, binti, at tuhod. Nasunog ang dulo ng kanyang buhok pero mabuti at napuksa agad iyon ni Jason. Nag-alala nang husto ang kanyang pamilya sa nangyari.

Pinayuhan siya ng doktor na magpahinga sa bahay pero nagmatigas siyang pumasok ngayong Lunes dahil kailangan siya ni Jason. Napatay nito ang sariling ama para iligtas siya. Kailangan niya itong damayan.

Nag-angat si Marjory ng tingin sa boyfriend niya. Nag-aalala siya nang makita ang matinding kunot sa mukha nito. Ang laki ng ipinagbago nito mula nang mangyari ang sunog. Masyado siguro itong naapektuhan dahil sa pagkamatay ng ama. It was difficult to face his father after all those years.

Kaya naiintindihan ni Marjory kung bakit malamig ang naging pakikitungo nito sa kanya. Hindi ito tumitingin sa kanya. Hindi ito ngumingiti. Wala ito sa mood na makipag-usap at hindi man lang ito nagtatanong kung kumusta ang kalagayan niya. Kung wala lang common sense si Marjory, iisipin niyang itinataboy siya nito. Pero hindi, nagluluksa ito sa pagkamatay ng sariling ama.

"Tapos na ba kayong mag-lunch ng boyfriend mo?" tanong ni Peter nang makapasok sila sa loob ng office.

"Oo. Kumain ka na. Tapos na kami ni Jason," sagot niya. Padabog na binawi ni Jason ang kamay nito mula sa kanya, para bang nagalit sa sinabi ni Peter na boyfriend niya ito.

Natahimik silang magkaibigan. Tumikhim si Peter at tumayo. Tiningnan siya nito nang makahulugan bago lumabas ng office.

Matapos ng nangyari, sigurado si Marjory na mag-boyfriend na nga sila. Bakit naman hindi? Oo, hindi pa nila napag-uusapan ang relasyon nila.

Ibinuwis nito ang buhay, sumugod sa sunog, at napatay ang ama para lang iligtas siya. Hindi pa ba hudyat iyon na dapat na maging sila dahil obvious naman na mahalaga siya para kay Jason?

"I'm not your boyfriend, Marjory. Sabihin mo sa kaibigan mo mamaya," malamig na sabi nito. Tumalikod ito kay Marjory. Isinuksok nito sa mga bulsa ng pantalon ang mga kamay, at huminga nang malalim.

"Naiintindihan ko. Hindi naman mahalaga ang title natin. We can talk about it kapag okay ka na."

"The only title we have is friendship." Humarap ito kay Marjory at puno ng pait na tiningnan siya. "I'm sure you've heard I have a reputation of being a fuckboy."

Somewhere Only We Know COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon