Chapter 5

9.5K 158 3
                                    


ANTIPATIKA talaga ang Jana na 'yon! himutok ni Marjory habang naglalakad pabalik sa council's office dala-dala ang isang kahon na puno ng supplies para sa upcoming project ng student council. Nakasalubong niya kanina si Jana at nagharap uli silang dalawa. Kasama pa kanina ng babae si Mark na dati niyang kalaban sa naganap na presidential election. Kapag nga naman nagsama ang dalawang bitter ay talagang perwisyo!

Sina Jana at Mark ang laging nagrereklamo sa principal tungkol sa kanilang activities. Palaging naghahanap ng butas ang dalawa at naghihintay na magkamali ang administrasyon ni Marjory. Mabuti na lang at madiskarte sila kaya hindi pa nagtatagumpay ang mga ito na sirain sila.

Napadaan si Marjory sa basketball court ng campus at nawala ang ngiti sa kanyang mga labi nang makita si Jason at ang mga kaibigan nito. Naglalaro ng basketball ang magkakaibigan habang wala pa ang mga varsity player. Sambakol ang mukha ni Jason habang nagshu-shoot ito ng bola.

She stomped her feet whenever she remembered what an asshole Jason was. Pakiramdam niya ay sasabog siya tulad ng Mt. Vesuvius tuwing naaalala niya kung paano siya tinrato ni Jason noong isang araw.

"Hindi ako nanununtok ng babae. Therefore, if you try to hurt me, I will give you a kiss. Girls like kisses after all," sabi ni Jason.

"You sexist pig! 'Wag mo 'kong itulad sa mga babae mo!" Iniangat niya ang kamay para sampalin ang binata pero hinuli nito ang kanyang kamay at kinintalan iyon ng banayad na halik.

"How is this for a violent act?" Maingat na pinisil ni Jason ang kanyang kamay. Napansin ni Marjory ang mahaba nitong mga pilik-mata nang kumurap-kurap ang binata sa kanya habang nakangiti.

Madasaling tao si Marjory. Hindi Catholic school ang Benedict College kaya wala silang chapel. Hindi siya makahanap ng payapang prayer ground. Abala ang office at puno lagi ng tao kaya hindi niya makuhang magdasal doon. Umabot sa puntong sa comfort room niya naisipang magdasal. Obviously, hindi siya nakatagal doon dahil overwhelming ang amoy. Hindi niya maituloy ang sasabihin kay God kapag may naririnig siyang situation sa kabilang cubicle.

Hindi tumagal ay nadiskubre niya ang magandang scenery sa fire escape. Walang tao roon kapag umaga. Tahimik ang lugar at kitang-kita mula roon ang mga building sa Ortigas Center at Makati. Ang fire escape ang naging meeting place nila ni God. At kaninang umaga, isinumbong ni Marjory ang kalapastangang ginawa sa kanya ng lalaki. Divine intervention na ang bahala kay Jason! See you on judgment day, asshole!

Nagtama ang mga mata nila nang tumingin si Jason sa direksyon niya. Nakita pa niyang natigil ang pakikipaglaro nito sa mga kaibigan. Nang makita siya ay tuluyang nawala ang kulimlim sa mukha nito. Nag-init ang pisngi niya sa galit nang kumindat at ngumiti sa kanya ang binata. Pawis na pawis ito sa kalalaro at hinihingal pa, but he paused and stopped to look at her.

Nasapo ni Marjory ang pisngi kung saan siya hinalikan ng binata. She contorted her face upon realizing that the kiss was as close as her first kiss. Sabi nga ng first love niyang si Mahatma Gandhi ay "hate the sin but not the sinner." She followed Ghandi's philosophy almost all the time. But seeing him now, there was no denying that she hated the sin and also the sinner.

Inismiran lang niya si Jason at nagsimula na uling maglakad. She arched an eyebrow, lifted her proud chin and walked tall. Bagay silang dalawa ni Jana! They are the bane of my existence!

"GUTOM ka na ba, Rafi?" Buhat ni Marjory ang five-month-old niyang pusa na si Rafi. Kauuwi lang niya sa bahay galing ng school at tinatawag na siya ng kanyang nanay na si Hannah para maghapunan. "Na-miss kita, Rafi!" Hinimas pa niya ang tiyan ng pusa. Puti ang mga balahibo ng pusa. Inampon niya ito nang manganak ang alagang pusa ng kanilang kapitbahay. Rafi would give her demanding gestures to rub his belly as if he was a pig.

Nang makarating si Marjory sa mesa, inilapag niya ang alaga sa tabi ng cat bowl na may lamang tuna. Bukas ang television mula sa sala at dinig ang news channel hanggang sa mesa.

"Naku! Nabalita ang bayan natin ngayon sa TV. Dito sa bayan ng Taytay, may nasunog uling bahay. Pangalawang beses na iyan. At may nadawit uling nanay sa sunog. Sino naman kaya ang gagawa niyan?" sabi ng ama ni Marjory na si Kiko habang naghahapunan sila nang gabing iyon.

Nabalot ng pag-aalala ang bayan ng Taytay matapos marinig ang balita tungkol sa sunog na nangyari sa bayan nila. Tahimik ang bayan nila at hindi kadalasan nagkakaroon ng mga ganoong klase ng krimen. Tulad ng sabi ni Kiko ay pangalawang beses nang may nasunog na bahay at isang nanay ang namatay sa sunog. Ang unang sunog ay nangyari noong isang buwan sa bayan din ng Taytay at may nabiktimang isang nanay. Naganap naman ang pangalawang sunog kaninang madaling-araw.

Nakasisiguro ang mga pulis na parehong isang lalaki ang suspek na nagsimula ng sunog dahil nahuli ito sa CCTV. Pareho din ang uri ng biktima. Sinusunog ng suspek nang buhay ang mga biktima. Aali-aligid ito sa labas ng bahay, para bang tinitingnan kung mag-isa lang ang target nito. Kapag natiyempuhan nitong mag-isa lang sa bahay ang biktima, saka ito umaatake. Walang makapagturo o makakilala kung sino ang lalaki dahil bukod sa malabo ang kuha ng CCTV ay nakatalikod ang anggulo ng suspek.

"Mag-iingat ka, Mommy. Lagi kang mag-isa dito sa bahay kaya huwag kang magpapapasok o kakausap ng hindi mo kakilala," bilin ni Kiko sa asawa.

"May tsismis na drug addict daw ang suspek," Beanca, Marjory's sister, butted in, "hindi naman daw kasi 'yan magagawa ng mga taong nasa tamang pag-iisip."

"Tsismis na naman, Beanca? Bakit wala sa balita na drug addict ang suspek? Ang kaso, wala kang ebidensiya. Kapag talaga tsismis, umaandar ang brain capacity mo," sabi niya sa kapatid. "Gamitin mo na lang sana ang talino mo sa pag-aaral para hindi ka na nahuhuling nangongopya sa mga exam."

Si Marjory ang panganay sa kanilang magkapatid. Freshman si Beanca sa Benedict College.

Sabi ng mga tao ay hindi maipagkakaila na sobrang magkamukha sila, para bang kambal; they both had a small heart-shaped face with a pouty chin; fair complexion; upturned nose; small thin lips; thin eyebrows that were naturally shaped; honey colored close-set eyes.

Pero malaki naman ang ipinagkaiba nila sa ugali. Hindi hilig ni Marjory ang masyadong pag-aayos at paggamit ng makeup, hindi gaya ni Beanca. Hinihikayat ng kapatid ang mga manliligaw nito samantalang siya, hindi pa nanliligaw ang isang lalaki ay basted na agad. Social animal ang kapatid niya samantalang siya ay aktibista. Beanca brushed her natural brown hair 2000 times a day while she attended school with her dripping wet hair.

"Papa, si Ate putak na naman nang putak!" himutok ni Beanca sa ama.

"'Wag na kayong maingay. May magandang balita ang papa n'yo," saway ng ina at halatang excited na sabihin sa kanila ang balita.

"Hindi pa kasi 'to sigurado. Isa ako sa mga pinipiling maging General Manager ng branch ng Green Design sa New Zealand," sabi ng papa nila na may tuwa sa boses. Ang kanilang ama ay isang magaling na architect. "Malalaman ang resulta sa February 2017. Kapag napili ako, sa New Zealand na kayong dalawa mag-aaral."

Napatalon sa tuwa si Beanca at lalo na si Marjory. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at excited na kinuha at niyakap ang pusa. Malas ni Rafi dahil nabitin ang enjoy na enjoy na sanang pagkain nito ng tuna. Binigyan ng pusa si Marjory ng nasusuklam na tingin. Nagmakaawa ang alaga na bitiwan niya ito.

"Makakakita na rin ako ng snow sa wakas!" sigaw ni Beanca.

"Sa New Zealand ako magka-college!" Muntikan nang kalmutin ng alagang pusa si Marjory dahil sa mahigpit na yakap niya.

mga panx

Somewhere Only We Know COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon