Chapter 21

7.6K 135 2
                                    


March 2017

One week before High School Graduation

MARJORY traced the old pathway into the woods. Nakalbo ang mga puno at bakas pa rin ang mga abo sa damuhan ng kagubatan. Pinalitan ng school ng mga bagong puno ang mga nasunog. Matagal pa bago lumaki ang mga iyon.

Nagtanggal siya ng bara sa lalamunan habang tinatapakan ang abo ng mga puno. Dati-rati, tumutunog ang mga tuyong dahon kapag umaapak siya sa lupa. Ngayon, nakukulayan na lang ng itim ang kanyang mga sapatos.

Yakap niya ang isa sa mga librong iniregalo sa kanya ni Jason. One hundred percent sure si Marjory na ito ang paboritong libro ni Jason. The pages were worn out and filled with green highlights. The highlighted texts showcased Jason's thoughts about his life.

Ngayon lang uli pupunta si Marjory sa grotto mula nang masunog iyon. Mahina ang kanyang loob na pasukin ang lugar lalo na nang saktan siya ni Jason. Mahirap yatang magbalanse ng dalawang sakit sa buhay. Nagsawa siya sa sakit! But since she was about to graduate, siguro ay panahon na para bumalik.

Gone was the green and the earthly smell of the place she used to love. The place was bare with ashes. Rays of the sun could easily penetrate inside the burnt woods. Hindi na niya marinig ang pagtawag ng mga kuliglig sa parte ng gubat na dinadaanan papunta sa kanilang tambayan. Ang sakit sa puso.

Pumasok siya sa loob ng grotto. Bumagsak ang mga pader, and the grotto was left open for the whole world to see. The loveliness was gone, only ashes remained. Ang abo ng mga bulaklak ay nilipad na ng hangin. Kahit saan siya tumingin ay puro kulay-itim. Nabasa ng luha ang kanyang pisngi nang makitang bagsak ang pergola. Kahit ang puno na naging bahay ng mga alitaptap ay abo na lang ngayon. Pati ang boardwalk, abo na lang din. Kahit ang santo ni Mama Mary ay hindi naisalba sa sunog.

Walang mga ibon. Walang mga paruparo. Wala ang mabangong amoy. Ang mga uling, abo, at luha lang ang natira. Kung gaano kabilis pinaglapit ng grotto sina Marjory at Jason, ganoon din sila kabilis pinaglayo nang mawala iyon. Doble ang sakit dahil wala na si Jason sa buhay niya.

"Kahit ako din ay naiyak nang makita ko ang lugar na 'to," sabi ng isang boses.

Agad na pinunasan ni Marjory ang luha sa mga pisngi at binalingan si Mr. Randolph. "Sir?"

"I was thirteen when I started this grotto with Monica, Mama ni Jason. Sinabi na ba sa iyo ng inaanak kong si Jason ang kuwento ng grotto?"

Inaanak? Ninong ni Jason ang principal? Kaya pala ganoon ito mag-alala kay Jason noon. The principal took her confused look as a no.

"During the 80s, ginagamit ng nanay ko ang lugar na 'to bilang isang prayer ground. Pero nang sumalangit siya, tinulungan ako ni Monica na alagaan ang lugar. She was my classmate and childhood friend at this school. Dahil pamilya ko ang may-ari ng paaralan, naitago naming dalawa ang lugar na 'to bilang sikreto."

"Monica? Tinatawag po akong Monica ng taong grasa—Ay! Papa pala ni Jason, si Macoy," sabi ni Marjory.

Tumango ang principal at ngumiti. "Monica became my first love. But I'm not hers. You see, she fell in love with Jason's father. Parehas kayo ni Monica. Naniniwala kayo sa mga tao. Pareho kayong optimistic. Huli na ang lahat nang malaman niya ang kondisiyon ni Macoy." Umikot ang mata nito sa lugar at napuno ng lungkot ang mga mata. "She's at your age when she got pregnant with Jason. Pero iginigiit ni Macoy na ako ang tatay ni Jason."

"Alam mo na siguro ang kondisyon ng ama ni Jason. Sabi ng mga medical records niya, isa siyang psychopath. People like him are self-centered, indifferent, paranoid, and obsessive. Isang obsession lang pala si Monica para kay Macoy. Tinatrato niyang mga bagay sina Jason at Monica na puwedeng itapon at saktan anytime. Pinatay niya si Monica dahil akala niya ay may relasyon kaming dalawa. But no, she was faithful. I offered her help. Handa akong maging tatay ni Jason. Tinanggihan niya ang alok kong tulong dahil naniniwala pa rin siyang magbabago si Macoy."

Somewhere Only We Know COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon