Chapter 4

9.2K 186 3
                                    

HAWAK-HAWAK ni Marjory ang balot ng Oreos at isang bote ng tubig para ibigay kay Jason.

Papunta siya ngayon sa susunod na klase ni Jason para ibalik ang Oreos nito na nakain niya. Tinanong niya kay Peter ang schedule ng klase ng lalaki para puntahan ito at humingi ng dispensa.

Hindi naman niya masisi ang sarili sa pagkakamali dahil sobrang pagod at gutom siya. Nakadagdag pa ang kanyang dysmenorrhea kaya wala siya sa katinuan kanina. Nahihiya siya dahil pinalo pa niya ang kamay nito samantalang hindi naman sa kanya ang pagkain. Dagdag pa na inagaw niya ang tubig ni Jason.

Nasa hallway si Marjory at malapit na sa classroom ng binata nang makita niya ang isang maliit na estudyante na napapalibutan ng apat na matatangkad na lalaki. Hawak-hawak ng isang matangkad na lalaki sa kuwelyo ang maliit na estudyante.

This was an act of bullying! Palapit na siya sa mga ito nang marinig niyang nagsalita ang lalaking nakahawak sa kuwelyo.

"Ano'ng sinabi mo?" Napasinghap si Marjory nang mabosesan si Jason. May panunuya sa mukha ni Jason at nagtatawanan ang tatlong lalaki sa likod nito. "Nasaktan naman ako sa sinabi mo," he remarked sarcastically. "Hindi, Benjamin. I don't want you to do anything. Because I'm going to make you pee your pants." Binalingan nito ang isa pang matangkad na lalaki. "Jackson! Ibigay mo sa akin ang gagamba."

Jason reached his hands towards Jackson, and Jackson gave him a tarantula. Inilapit nito ang gagamba kay Benjamin.

"Huwag! Huwag! Please, Jason! Ilayo mo ang gagamba!" sigaw ni Benjamin, saka nagpumilit na makawala sa pagkakahawak ni Jason. Hinawakan ng tatlong kaibigan ni Jason si Benjamin para hindi ito makapalag.

Napakasadista pala ng hayop na 'to! Hindi makalapit nang husto si Marjory para pigilan ang mga ito dahil madaming taong naglalakad sa hallway at walang pakialam sa pambu-bully na ginagawa ng magkakaibigan. After all, ang sigaw ni Benjamin ay isa lang sa mga ingay na naririnig sa hallway.

Nang makalapit siya ay may nakita na siyang tubig sa kinatatayuan ni Benjamin. Unbelievable! Pinagapang ni Jason ang tarantula sa mukha ng binu-bully. Sa sobrang takot ay...

Naihi sa pantalon si Benjamin!

Nangibabaw na nang tuluyan ang sigaw ni Benjamin at doon lang nagtinginan ang mga estudyante, saka nagtawanan. Nag-alisan lang ang mga ito nang mag-ring ang bell at nagpasukan na sa kani-kanilang klase.

Hindi palalampasin ni Marjory ang ginawa nina Jason.

Nilapitan niya si Benjamin at hindi siya nagdalawang-isip na kunin ang gagamba at ibato iyon kay Jackson. "Only babies like you would make a poor guy pee his pants!" Pinanlisikan niya ng mga mata si Jason.

Nabura ang sarkastikong ngiti sa mukha nito. Lumiwanag ang mukha nito nang makita siya. Sinenyasan nito ang mga kaibigan na pakawalan si Benjamin na agad kumaripas nang takbo paalis.

Naaawa siya dito dahil nanginginig ito sa takot, para bang may phobia sa gagamba at napahiya ito sa harap ng maraming tao.

Hindi pa tapos si Marjory sa kanyang sermon. "That was so barbaric! Natutuwa ba kayong makita na nahihirapan ang iba?"

"Well, if it isn't the Cookie Monster," Jason said with delight in his eyes. "Ano'ng ginagawa mo rito, Miss President?" The three taller guys behind Jason laughed. Namukhaan ni Marjory si Paolo Rodriguez. Seatmate niya si Paolo sa English Literature.

"Don't mock me. Oo, nakonsensiya ako sa pagkakamali ko kanina pero hindi ko papalampasin ang ginawa mo kay Benjamin." Dinuro niya ito. "Ito na ang Oreos at tubig mo." Ibinigay niya rito ang kahon ng Oreos at ang bote ng tubig. Tiningnan lang nito ang mga iyon.

"Gusto mong palitan ang Oreos na kinain mo kanina? No. That's not how I take apologies from people who had done me wrong," sabi nito na may kapilyuhan sa mga mata. "Nakita mo ba kung ano ang ginawa ko kay Benjamin?"

"You're going to make me pee my pants, too?" Marjory rolled her eyes. Titig na titig si Jason sa kanyang mukha at napansin niya na hindi madilim ang mukha nito gaya noon.

"Oo. That's how I usually do it. Pero kung ikaw lang, gagawa ako ng exemption." His brown eyes twinkled with mirth, at kumindat pa sa kanya. He smiled widely, showcasing his famous smile lines. Kombinsido na siya sa argumento ni Peter na guwapo ang fuckboy na ire. Ano naman kung guwapo ito? Halatang may attitude problem ang lalaki! She was not vain like the rest of people. Mas importante para sa kanya ang ugali kaysa sa good looks.

Totoo nga ang mga paratang kay Jason. He was a well-known tyrant who had been preying on the weak. Nag-e-enjoy itong panoorin si Benjamin na magdusa sa kahihiyan. Hindi malayong totoo na sinagot nito si Mrs. Ravales.

"Kinindatan mo ba talaga ako? Para ka kasing napuwing lang. In fact, huwag mo na akong kikindatan dahil mukha kang autistic," sabi ni Marjory. "Mag-sorry ka kay Benjamin ngayon din o isusumbong kita sa Prefect of Discipline. That doesn't sound attractive, right? Lalo na ngayon na may pending case ka dahil sinagot mo nang harapan si Mrs. Ravales."

Nagtawanan ang mga kaibigan ng lalaki at hindi nabura ang ngiti sa mga labi nito. He leaned closer to her and it was proven that he was taller than she was. Tumingala si Marjory dito. "You're feisty. Gusto ko 'yan," he said, and he used his finger to lift up her chin that was already looking up. He turned her head sideways. Tumaas-baba ang Adam's apple nito habang tinitingnan ang mukha niya. May hindi maipaliwanag na tuwa at aliw sa mga mata ni Jason. "Tingin ko, hindi mo kakayanin ang school politics. With a beautiful face like this, sumali ka na lang sa mga beauty pageants. Iwan mo na ang politika sa mga pangit na estudyante para magkaroon sila ng self-worth."

Oh, no! Did he just commit the most heinous crime of implying Marjory was a dumb bimbo? Kinokonsidera niya na sagabal ang kanyang magandang mukha sa pangarap niyang maging aktibista at sumali sa mga grupo ng mga militante para mag-rally sa kalsada. Madalas siyang nababastos at hindi binibigyan ng mga seryosong tungkulin sa mga organisasyon na sinasalihan dahil iniisip ng mga tao na pagpapaganda lang ang alam niya. And this fuckboy over here was belittling her capacity to rule as the president of the student council. Ang posisyon na iyon ang pinaghirapan niya since day one ng kanyang freshman year. Kailangan niyang ngumiti nang pilit kay fuckboy, kung hindi ay magwawala siya.

The fuckboy continued, "Natatakot kang madungisan ang reputasyon mo kaya humihingi ka ng sorry ngayon?" Napabuga ito ng hangin, hawak-hawak pa rin ang kanyang baba. Bakas ang tuwa sa ekspresyon nito. "Hindi pa man din ako nakiki-share. At ano'ng ginawa mo sa kabaitan na ipinakita ko? Hinayaan ko ang marumi mong kamay na dumukot sa sarili kong pagkain tapos pinitpit mo pa ang kamay ko?"

"Pasensiya na dahil nakain ko ang Oreos at nainom ko ang tubig mo." Marjory pushed him away carefully, the fake smile still on her face. "But I won't be sorry to do this!" Sinuntok niya nang malakas si Jason sa mukha at dahil sa disparity nila sa height, naging uppercut and suntok niya. Galit na galit siya sa karahasan, but her violent tendencies were being summoned by this fuckboy.

Napaawang ang bibig nina Jackson at napaatras naman si Jason sa suntok niya. Nasapo nito ang pisngi at nainis siya dahil hindi nawala ang pagkaaliw sa mukha nito. Obviously, hindi nito siniseryoso ang sentimyento niya!

"Sinasabi mo ba na hayaan ko ang student council na pamunuan ng mga pangit na taong kagaya n'yo? The persons who need to have self-worth are you and your dumb friends!" galit na sabi ni Marjory.

"Bayolente ang nahalal na presidente. Paano ba 'yan? Bayolente rin ako," sabi ng binata. May ngiti sa mga labi na tinawid ni Jason ang distansiya sa pagitan nila.

Sasabihin niya kay Peter na hindi gentleman ang bago nitong crush. Susuntukin siya nito! She glared at him to show that she was not scared, and she really wasn't. She would never pee her pants like Benjamin.

Iniangat ng lalaki ang kamao. Hinintay ni Marjory ang pagtama ng kamao nito sa pisngi niya. Pero lumagpas ang kamay nito sa kanyang mukha at hinawakan ang batok niya. Then, Jason pulled her closer and kissed her on the cheek. Nanlaki ang mga mata ni Marjory at nagrigodon ang kanyang puso. 

Somewhere Only We Know COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon