PAALAM MAHAL

4 2 0
                                    

"TULA"

Sa bawat ngiti ng iyong mga labi
Naaalala ko iyong bawat ngiti
Mga ngiting ayaw kong iyong ikubli
Dahil hatid nito'y sakit saking puso lagi

Naalala ko pa yung mga panahon
Mga panahong marami tayong pagkakataon
Na ipahayag ang ating saloobin
At ito'y pilit kung aalalahanin

Ang sarap balikan ang ating ala-ala
Na kung saan tayo'y laging magkasama
Yung mga ala-alang pilit kung kinakalimutan
Ngunit ito'y nagpapaalala lamang ng ating matinding samahan

Nais ko sanang humiling sa panginoon
Na bigyan ka sana ng isang pagkakataon
Upang sana'y ikaw aking makapiling
Ngunit mahahagkan na lamang kita sa iyong libing

Alam mo bang miss na miss na kita
Yung mga ngiti mong saki'y nakakahalina
Mga halakhak mong parang musika saking tenga
At mga mata mong kumikinang pag aking nakikita

Salamat sa lahat ng mga ala-ala
Na pinagsaluhan nating dalawa
Dahil ngayon alam kong masaya ka na
Sa piling ng ating butihing ama

Dahil gusto ko po ng tragic, ito na naman ang aking isang tulang ginawa. Hope na magustuhan niyo. Mwahh Mwahh

Love- S. S. S.

Metaphorical PerceptionWhere stories live. Discover now