Love 13

23 3 0
                                    

Kian's POV

Aish nakakainis si Rain bakit tuwang tuwa kasama yung mga pinsan ko at aba dumada moves pa sa kapatid ko.grrrr..

"Hi kian sila pala yung pinsan at isang mong kapatid na lalaki ang cute tingnan ni Jack pati ni Rain noh you know what bagay sila"bagay daw mukha nila

"Di kaya panget kaya si Rain"nakakainis na tong si Jack resbakan ko na ba?

Halata namang pilit yung ngiti niya eh pag ngumiti yun kita pati gilagid

"Liam are you listening"nagulat na lang ako sa boses ni barb

"Ah oo ano nga ulit yun?"tanong ko sa kanya di ko kasi talaga narinig yung sinasabi niya sakin

"Sabi ko pwede bang samahan mo ko magswimming di kasi marunong si rain kaya ikaw na lang"ah yun lang pala

"Saan ba sa dagat o sa swimming pool?"may pool din kasi dito

"Sa dagat ngayon na lang kasi ulit ako nakapagbeach"nakangiting sabi sakin ni barb

Pumunta na kami sa dagat at magsimula na siyang lumangoy dun.

"Kian!pwede pa lagyan nga ako ng sun block please"narinig kong sabi sakin ni rain.eh bakit di na lang siya dun sa jack niya

Eh syempre may please nilagyan ko na lang siya..ang smooth tlaga ng skin niya

Konsensiya:lalagyan mo pa rin naman siya ng sun block kahit walang please gusto mo kasi mahawakan smooth skin niya

Di kaya gusto atang mamatay nitong konsensiya ko

"Yan tapos na,gusto mo bang magswimming muna tayo dun na lang sa pool para mas madalian ka maalon ngayon eh"gusto ko lang naman siya turuan

"Eh sorry kian pero di nga ako marunong tsaka kakain pa kami ni jack eh"jack nanaman basta pagkain nasama agad mamaya lasunin pa toh eh

"Ayaw mo tuturuan kita lumangoy para di ka na matakot pagkatapos nun kakain na tayo ng sobrang rami"sana pumayag ka

"Ano namang kakainin natin"ito na ata ang sign na malapit na siyang sumama sakin hahaha

"Kahit anong gusto mo, treat ko kasi pumayag kang matutong lumangoy ulit wag ka magalala great swimmer kasama mo champion toh sa swimming competition"totoo naman eh ako yung laging panlaban pag may swimming competition and dont you champion ako lagi

"Alam ko sige na nga"yey salamat..bat ako natutuwa hayss

"Barb turuan ko lang si Rain lumangoy sa pool"paalam ko kay barb mamaya hanapin ako niyan

"Sige basta mamaya ha samahan mo ko"sabi naman sakin ni barb

"Jack mamaya na tayo kumain tuturuan pa ko ni kian lumangoy"paalam din ni rain kay jack

"Sige ingat kayo"may paingat ingat pang nalalaman

**
Barbara's POV

Akalain niyo yun may pov pala ako di ko naman talaga ipagkakaila kaibigan ako ni Rain at isa ako sa bida dito sa storyang ito

May napapansin din ako dito sa dalawang to si Rain at Liam kaibigan lang ba talaga yung tingin netong si Liam kay Rain

Pero I dont really care kasi malapit ko nang itali si Liam sa akin dahil nililigawan niya na ako ang alam ko iaanounce niya mamaya yun sa family niya

Sobrang swerte ko talaga at naging kaibigan ko tong si rain siya ang naging tulay para samin ni liam my prince

Kaya di ko talaga to malilimutan si rain she will be may forever bestfriend

**
Rain's POV

Nandito na kami sa pool kinakabahan ako na naeexcite parang adik lang

"Magwarm muna tayo para di mabigla yang katawan mo"sabi sakin ni kian

Kinakabahan talaga ako kasi naman nung nalunod ako yung utak ko daw nun parang nahirapan magfunction kasi di na ko makahinga nauubusan na daw ng hangin buti na lang may nagligtas sakin minouth to mouth resaction niya daw ako pero di daw ako nagising kaya dinala na ko sa ospital sabi daw ng doctor buhay pa daw ako kailangan ko lamg daw makarecover nagkaroon din daw kasi ako ng kaunting memory lost buti na nga lang di ko nakalimutan yung family and friends ko nakatulog daw kasi ako ng mahigit kumulang one month

Pumunta muna ko sa cottage namin para hubadin yung short tsaka t-shirt ko

Pagtapos kong hubadin pumunta na ko sa pool hindi niyo talaga mapigilan mapangiti yung mukha kasi ni kian.haha

Sabagay jaw dropping talaga tong sexy body ko chos..ako na hubadera ng taon

"Kian pano tayo maguumpisa?"halatang natauhan lang siya nung nasalita ako

"Syempre bumaba ka muna dito para makapagwarm up na tayo"oo nga sabi ko nga baba na

Habang pababa ako ng pababa (A/N:parang spaghetti lang Rain try mo naman pataas ng pataas)Nung nasa last step na ko hinawakan ni kian yung kamay ko parang nilagyan ng meralco yung kamay namin ni kian ng kuryente yung libre lang kahit buong araw pa

"Humawak ka dito tapos ipadyak mo yung paa mo para pag nagstart ka na lumangoy di mabigla yung muscle mo"siya na talaga yung magaling.sinunod ko na lang niya ang sinabi niya pagtapos nun yu g kamay naman basta andaming ka-ek-ekan

"Oh ano namang gagawin natin tapos na tayong magwarm up?"kapagod din yun ha infairness

"Syempre tuturuan ka ng lumangoy"galing galing talaga magturo nito kailangan talagang manigaw

Habang naglalakad kami papunta sa hanggang dibdib parang feeling ko safe pa rin ako yung tipong di ako natakot di ako kinabahan dahil ba to sa presensya ni kian..nakahawak po kasi siya sa hips ko kakilig kaya.

Tinuruan niya lang ako ng tinuruan at syempre nga dahil magaling at POGI ang nagturo ito ako ngayon feeling professional natuto na rin ako magfloating

Nagbasaan muna kami nagharutan habang papalapit ako sa kanya kasi napagod tlaga ako kakalangoy yung paa pati binti ko biglang sumakit pinupulikat ata ako kaya bigla akong nadulas at buti na lang nasalo ako ni kian yung katulad ng napapanood niyo yungnakakapit ako sa leeg niya tapos hawak niya yung likod ko basta yun

Love Triangle With My Two Bestfriend(On Going)Where stories live. Discover now