Love 23

16 0 0
                                    

RAIN'S POV

Nasa ospital pa rin ako lalabas daw ako dito pagtapos ng surgery

Hayss nakakabagot kaya yun buti na lang umabsent sila kian,barb..si shine naman pumasok para sabihin sakin yung mga lessons or assignments

"Uyy rain di mo pa sinasabi samin kung bakit nag-fake relationship kayo ni jack"ang kulit neto ni kian paulit ulit na eh

"Basta"tipid kong sagot

"Anu ba yan tara na nga loves pasok na nga lang tayo"iiwan nila ako

"Wag sasabihin ko na nga eh"

"Oh bakit nga"ano bang pwedemg dahilan uhmmmmmm.. Aha alam ko na

"Kase gusto ko din maranasan na may nagmamahal sakin"sana naman okay na yan

"Mahal ka naman namin eh"barb

"Ih i mean yung katulad sa inyong dalawa yung inaalagan nasa akin yung atensyon tapos yung maranasan din yung corny na banat pero sweet"sige kaawaan niyo na ko

"Ahh ganun ba"barb

"Oo saan kayo pupunta?"aalis kasi sila

"Bibili lang foods"wow great idea haha

"Pwede ako sumama?"

"Jan ka na lang baka mapagod ka eh"nu ba yan gusto ko pa naman sumama

Pagkaalis nila tumayo ako para silipin sila gusto ko sumama hihi ^-^

Pagsilip ko wala na sila ang bilis naman anong gagawin ko dito ahh alam ko na! Titingnan ko na lang yung bucket list ko baka may natupad na

[]1. Makanood at makita ang BTS

[]2. Makapagmotor (di kasi ako pinapayagan ni mommy)

[]3. Makanood ng sunset kasama sila barb at kian

[]4. Pumunta sa dagat ng walang takot

[]5. Maging kami ni kian *-*

Wait wutt sinulat ko ba yung no.5 wala akong matandaan

"Rain anong ginagawa mo?"ayy jusme pagulat

Sinarado ko agad yung mini notebook at ngumiti sa kanila

"Wala..asan na yung pagkain kain na tayo"

Habang kumakain tahimik lang kami as in tahimik tunog lang ng kutsara at tinodor na tumatama sa pinggan ang naririnig namin

Papaalisin ko na sana si katahimikan nang biglang nagsalita si barb

"Rain may sasabihin sana kami"wow seryosong usapan ata ang magaganap ngayon😂

"Okay ano yun mukhang masyadong seryoso"ani ko sa kanila

"Break na kami matagal na sorry ngayon lang namin sinabi"ayy tologo ba? Ewan ko kung matutuwa ako o ano kasi di nagwork yung relationship nila baka tinadhan talaga kami yiieee

"Seryoso? Totohanan? Joke ba yun?"

"Oo nga and anyways kalma puso mo tumatalon papunta sakin"nanlaki mata ko seryoso ba talaga tong naririnig ko kay kian

"Ahh kain na tayo uyy"

"May isa pa sana kaming sasabihin"tumingin siya kay kian"sabihin mo na"

"Ahh rain hindi ko alam kung kelan toh nagstart pero sa tuwing nakikita kita sa tuwing nasa tabi kita hindi mapakali yung puso ko parang sasabog  mahal kita rain WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?"ayy tangene waitt bawal ako kiligin hindi pwede bawal

Love Triangle With My Two Bestfriend(On Going)Where stories live. Discover now