Chapter 1: Coffee jelly

8 0 0
                                    

Teihyang's POV

Maganda ang mundo.Masigla, makulay at maingay. Sa halos ilang dekada ko ng pananatili ay marami ng nagbago. Kung dati'y sulat lang ang paraan para makipagkomunikasyon, ngayon ay may cellphone na na tinatawag. Ang dating pagtatanghal sa entablado ay maaari na ngayong mapanood kahit hindi ka mismo pumunta sa lugar. Mapapanood na ito sa mga tv.

Talagang marami na ang nagiba. Maging ang pananamit ko ay nagiba na rin. Tinatawag nila itong modernisasyon. Makabagong mundo ika nga. Maging ang pagsasalita ay naiba na rin.At sanay narin naman akong gamitin ang mga ito sa paraan ng pagsasalita ."Oy bes tara na! "."OMO ang waffu ni koya! ". Yan na ang karaniwang uri ng lengwahe na ginagamit ng mga tao ngayon. Malayong malayo sa nakalipas na panahon.

Masisipag at matityagang magtrabaho ang mga tao ngayon. Kailangang kumita ng pera para mabuhay. Sinikap ko ring gumaya sa kanila.May disenteng trabaho at maginhawa ang buhay. Maraming pera at ipon sa bangko. Nakakatuwa na lahat ng gusto ko sa mundong ito ay nakukuha ko din. Ngunit hindi naman lahat ng tao ay ganito. Mayroong mga simple at kunteto na sa buhay at may mga hirap parin talaga sa araw araw na hamon ng buhay pero kinakaya parin.

Ngunit hindi ko alam kung kelan may magtatangka sa buhay ko at bigla na lang akong mabura sa mundo. Kaya naman hindi ko agarang inaaksaya ang aking mga ipon. Sapagkat balang araw ay may makikinabang nito.

*******

Madaling araw pa lang ay gising na ko. Hindi ko alam kung bakit pero ang aga kong bumangon ngayong araw. Gusto ko sanang magluto ng marami para sa almusal pero naalala ko na magisa nga lang pala ko. Itlog na nilaga at pancit canton na lang ang kinain ko. Pagkatapos ay lumabas ako para bumili ng babasahing libro. Mahilig akong magbasa ng mga libro lalo na kung tungkol sa buhay ng tao.

Ano bang meron at ang daming tao ngayon sa labas? Tanong ko sa aking sarili. Baka may okasyon? Pero hindi naman fiesta ngayon. Di ba le na nga, ano bang pakialam ko kung madaming tao? Basta bibili ako ng libro tapos.

"Mapanghusgang lipunan".parang magandang basahin. Nakakatuwa na sa tuwing bibili ako ng libro ay laging may mga bagong dating at maraming pagpipilian.

"crinngg...criingg."

Tumunog ang cellphone ko parang may tumatawag. "O hello? Bakit?."
"May bagong sponsor na dumating! Bro magandang balita to!"
Si V kim. V kung sya ay aking tawagin.Sya ang unang taong lumapit at nagturo sakin kung paano mabuhay sa mundong ito.

May bagong sponsor daw kami sa foundation. Ang foundation na yon ay para sa mga batang inabandona. Lahat ng mga pangangailangan nila ay aming pinupunan sa abot ng makakaya.

Ako ang nagpapatakbo sa foundation na iyon. Nagsimula iyon noong may bata akong tinulungan dahil sya ay naaksidente. May nagprisinta na sya na ang magsusustento sa bata habang sya ay buhay pa. Sya rin ang nagdonate ng lupa at pera pampagawa ng foundation namin ngayon.

Si V ay sinusweldohan ko bilang empleyado na rin at sukli sa kabaitang ipinakita nya sakin. Sya halos ang namamalakad sa foundation. Pupunta ko don para malaman kung sino ang bagong sponsor at mabisita na rin ang mga bata.

Pero dahil marami ang tao, may naka bangga akong isang babae.
"Ay sorry. Pasensya na ha nagmamadali kasi ako sa suaunod na makita kita ililibre na lang kita!" Sigaw nya habang tumatakbo.

Wala na kong nasabi pa at dumiretso na lang sa kotse at pumunta sa foundation. Malas kung tutuusin pero ayos lang, parte naman ng buhay yan e.

--------------------------------

KEARA'S POV

Haayy. Umaga na naman! Panibagong araw. Hmmff? Mukang maraming tao ngayon sa labas ah. Kita mula sa bintana ng kwarto ko ang mga taong naglalakad papunta sa kanya kanyang destinasyon. Sa gilid ng kanto malapit sa highway lang kasi nakatirik ang bahay namin. Ang hirap kaya! Ang ingay, liwanag at iba pang ganap samin lahat ng bagsak. City nga naman...

Ma.. Anong ulam? Tanong ko agad pagbaba sa hagdan. "Sinigang."
Naks sinigang! Ang init ng panahon sinigang? Huhh. Nakakatuwa naman si mama.

Pagkatapos kumain ay gumayak na ko dahil magkikita kami ni Ssong. Si Ssong ang bestfriend kong matalino. Mabait din at talaga namang may pagkaprangka at matapang. Hay. Minsan nga nag-aaway talaga kami dahil sa kaprangkahan nya. Wierd din sya minsan kasi ayaw nya sa tubig. Sa bagay sino nga ba di aayaw sa tubig lalo na kung malamig ang panahon?

Ma alis na ko.. Sigaw ko habang tumaktakbo papalayo. Malalate na ko sa usapan namin! "Bumili ka ng mga gulay para sa bulalo mamaya!"dagdag pa ni mama. Hayst. Aalis na lang may pahabol pa.

Sumakay na ko sa bus at muntik pang di makaabot. Pano ba naman tulakan! Gigil!ang dami nga yata ng people ngayon parang fiesta grabe sya..
Ilang minuto din ang byahe papunta sa Koal ang sentro ng Megan City. Mainit at nakakainis ang panahon. Ang hot ko kasi e "Keara! "
May tumawag agad sakin pagbaba ko ng bus. Si Ssong. "Oi.dun tayo pumili na ko ng malapit sa babaan at sakayan ng bus para di tayo mahirapan."

Kadalasan kasi,maglalakad pa kami pagbaba ng bus papunta sa meeting place e"Bukas pwede na tayong magsimula sa cafe natin."

Aba! Ayos yan! Kapapagawa lang kasi ng cafe namin opening baga. Shempre may mga promo para happy .Buy one take one with free drinks and biscuits.

Sana maraming pumunta. Mahirap din naman kasi maki pagsabayan sa ibang cafe. Grabe yung iba may pailaw, wifi, soundtrip lahat na ata ng pangakit nailagay na. "Sa tingin ko naman e hindi nahuhuli yung sa atin."
Sabi ni Ssong. Sabagay may free wifi din naman kami,aircon,konting pamusic at may libre pang pictorial dun sa isang parte ng cafe.

Meron kasing 3d painting doon na para kang nasa paris. Sana naman kumain muna sila bago magpicture taking.. "Mauna na ko Keara. May pupuntahan pa kasi ako."naunang magpaalam si Ssong at bigla kong naalala na kailangan kong bumili ng mga gulay para sa tanghalian.

"Oo nga pala ako din!"kumaripas nako ng takbo dahil magtatanghali na at baka magsara na yung mga bilihan ng gulay sa labas. Mainit pa naman!
Sa sobrang kamamadali ko...

Nakabangga ako ng isang lalaki. Natapunan ko pa nga sya ng coffee jelly na daladala ko. "Ay sorry. Pasensya ka na ah nagmamadali kasi ako lilibre na lang kita sa susunod!"
Hindi ko alam kung bakit ko na sabi yun. Ililibre ko sya e ni hindi ko nga sya kilala? Hay Keara talaga.

Ate pabili

Bogoshipda(by Joshua Philip)Where stories live. Discover now