CHAPTER 3

7 0 0
                                    



I flood messages. Sandamak-mak na sweet messages ang sinend ko.

Finally, he replied back...

Him: Wtf ano 'to? HAHAHHAHAHHA

Me: See? Wala ka talagang pake. Di mo ko love... huhu

Him: Eh hindi mo nga ko kilala e at hindi kita kilala.


I send a picture of him na nakuha ko sa Facebook Acc niya. Di niya nga talaga ako kilala. As in pati itsura ko hindi niya alam. E that time, I admit hindi ako kagandahan. Natatakot ako na na kapag nakilala niya ko, e iwanan ako neto.


Him: Hala stalker!

Me: Eh kilala kita so pwede na ba?

Him: Pakilala ka na...

Ba't ka ba nahihiya?

Malay mo baka maganda ka...

Edi lugi ka sa'kin.

Kasi panget ako ☹


Talaga ba? Sunod-sunod niyang reply pero wala akong maisip na sasabihin... nagdadalawang isip ako


Me: Puta kuya, okay na 'to. One sided love.

Him: HAHAHAHAHAHHA baliw.

Me: Baliw sa'yo.

Him: Wtf? HAHAHAHHAHHAHA


Halatang kinikilig siya so I just continue...


Me: Di ka naman panget ah... cute mo kaya!

Him: Lol HAHAHAHAHAHHA

Me: kilig ka? Hehez labyuuu!

Him: Talaga ba?

Me: Opo.


Matapos ng ilang oras na landian... oops what a term? Matapos ng pag-uusap, nagpaalam na ko. Then he replied his Goodnight and loveyou message.

Yeah I'm shook. But hell, iba ang meaning ng I love you at love you so aware ako na nakikipag-laro lang 'to.

Di ako mapakali so I chatted him again


Me: Really? Love mo ko?

Him: Oo naman!

Me: Yeyyyyyyyyyyyyy!

Talande Madi.

Him: Tulog ka na...


I don't know kung ano 'yong nararamdaman ko. This is so different. I'm just so happy that time. Di ko ma- explain, nahihibang na ko.

Hanggang sa na-sundan ang maraming pag-uusap. May times na nagpapa-alam na siya sa'kin kung may pupuntahan siyang lakad. Shit nanay niya ba ko? Hahaha kiddin'. May nangyare na gabi na kami naka-pag usap. Knowing na he's with friends na may inuman sila... I chatted him many times pero hindi niya magawang replyan.

Me: Wala ka talagang pake sa'kin noh?

Finally

(Him: typing.....)

Him: Anong walang pake? Meron kaya..


At eto nanaman ako, ginagago na nga kinikilig pa.

Beyond EverythingWhere stories live. Discover now