HeartStrings Series 01: Yours Truly Written ʙʏ: MsNeverBeenKissed
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
[ Prologue ]
Nagsimula ang lahat sa salitang “Crush Kita” duon nagumpisa ang pagmamahal ko sayo na hindi kailanman matutumbasan ng iba.
Natutuwa ako sa panahong mahal na mahal pa natin ang isa't isa na para bang isang real life fairy tale ang ating istorya.
Na ikaw ang aking prinsipe habang ako naman ang iyong prinsesa.
Nabinigyan ng happy ending at nagkaruon ng masayang pagsasama. Ngunit di lahat ng fairy tale ay may Happy Ending dahil karamihan ay Sad Ending.
Iniwan mo ako non na wala man lang pasabi. Kung sinabihan mo lang ako na iiwan mo na ako edi sana ay di ako aasang babalik ka pa.
Dahil ni minsan ay hindi ka nawala sa aking isipan, akala ko nga mababaliw na ako.
Kung kelan may mahal na akong iba saka ka pa bumalik at itong tanga kong puso ay ikaw parin ang sinisigaw.
Na mahal parin kita
Pero huli na ang lahat.
Dahil naninigurado akong ito na ang huling pahina ng ating istorya.