Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
CHAPTER 03
°DANIELLA CAMILLE MENDOZA°
ALAS KWATRO na ng umaga at hindi padin ako makatulog dahil di ko parin makalimutan ang nangyari kahapon hindi ako makapaniwala till now. Ang ate ko at pinsan niya ay mag jowa yes may anak na sila at di pa sila kinakasal balak pa nila na gawin kaming mag partner, di ko alam kung anong klasing utak ang meron sila nun pero ayoko talaga mangyari yun tsaka ayoko ng epal lalo na kapag bagong gising ako nang makakapagluto ako ng maayos ng pagkain ko this morning. Tulog pa kasi sina ate napagod sa kakalaro namin sa playroom nila.
Ang cute talaga ni baby Cindy kamukhang kamukha niya si ate at yung mga mata niya nagmana naman sa papa niya. Kinuha ko yung 3 itlog ref kumuha nadin ako ng mga pampalasa para sumarap ang itlog na iiscrumble ko nang mailuto ko na to ay mabilasan na nagluto ako ng fried rice para makakain na kaagad ako.
Umupo na ako sa lamesa at inopen ang tv para makapag relax ako. It's been days since pumasok kami sa paaralan na ito so far maganda naman ang buhay namin dito kahit na may lalaking kinaiinisan ko na no reason kung bakit ko ito kinaiinisan basta ang alam ko lang sa sarili ko na ayoko sa kanya.
Inopen ko ang messenger ko at tinawagan gamit ang video call ang mga kaibigan ko.
Video Call
Calling Kate ashley devera and Chansiel kirstein dehonor....
Mamaya maya ay sinagot na nila ang tawag ang unang sumagot at si chansiel na mukhang kanina pa gising.
"good morning, Camille."bungad niya saakin habang kumakain ng mushroom soup. Napangiti ako sakanya.
"Goodmorning din sis." sabi ko sakanya habang humigop ako ng kape. Para naman magising ako.
"Bakit ka nga pala napatawag sis? Masyado pang umaga ah? May problema ba?." bakas sa mukha niya ang pagaalala, napangiti ako dahil super caring talaga ni chansiel paniguradong masuwerte ang magiging asawa niya.
"Ah wala wala, namiss ko lang kayo kausap." napatawa naman ng mahina si chansiel sa sinabi ko.
"Para namang tagal natin di nagkita, alam mo itulog mo nalang ulit niyan." sabi niya sabay subo ng tinapay. Napailing nalang ako sakanya, ilang sandali pa ay biglang sinagot na ni kate ang tawag.
"After a decades ay sinagot mo nadin ang tawag sis." pangaasar ni chansiel kay kate na halatang kakahilamos lang.
Hindi ko nalang sila pinansin ay sinuot ang salamin ko. "Mga teh wala pang 5 ay naisipan niyong tumawag alam niyo naman sa mga ganitong oras ay nasa paraiso pa ako." reklamo ni kate na halatang nagising namin siya sa hindi tamang oras.