Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
PIA'S POV
Thomas Andrew kissed her! He kissed her!
"Ano nga sa tingin nyo? Nanliligaw ba si Thomas Andrew kay Andrea? Kung oo, may pag asa ba sya kay Andrea? Tsaka parang hindi kapani-paniwala kasi ang bilis naman? Kakakilala pa lang. Teka! Hindi kaya pinagti-tripan lang nila tayo? That's it. Maybe -"- natigil naman sa kakasalita si Shekinah nang sawayin sya ni Clarisse
"Shh! Ano ba? Bakit mas affected ka pa sa lovelife ni Andrea?"
"Concern lang ako sa kaibigan natin. What if lokohin sya?"- sagot nya kay Clarisse
"H'wag muna natin isipin yon. Nasaan ba si Andrea?"- tanong ko
"Nasa kwarto. Pagkaalis ng boys doon agad sya pumunta"- sabi ni Clarisse
"Change topic muna tayo"- panimula ko
"Clarisse nung kiniss ka ni Carl Steven sa noo, anong naramdaman mo?"- Tanong ko
"Wala. Ano gusto mo kiligin ako? Yuck ha"
Kunwari pa eh
"Hindi ako nagkukunwari"- sabi nya
Nababasa nya iniisip ko?
"And I'm not a mind reader"- sabi nya ulit
Pano kaya nya nalalaman iniisip ko?
"Ang daling basahin ng facial expression mo. Tanong mo man kay Shekinah"- sabi nya kaya naman nilingon ko si Shekinah na tumatango lang
"Eh ikaw ano na-feel mo nung kiniss ka ni Jan Ian and not just that, he confessed!"- pang i-intriga ko kay Shekinah
"Wala. Hindi naman totoo iyon. Itsura palang mukha ng madaming babae"- seryosong sabi ni Shekinah
"Oh ikaw?"- biglang tanong ni Clarisse
"Ako? Anong ako?"- pa-inosenteng tanong ko
"Anong 'ano', ano na-feel mo ?"- tanong ni Shekinah
"Wala"- sabi ko sabay iwas ng tingin
"Wala daw. Pero kanina pulang pula"- sabi ni Clarisse
"Hindi kaya!"- sigaw ko
"Ooh~ Guilty"- Pang-aasar ni Shekinah
"Whatever with the capital W!"- sabi ko sabay irap
"Namumula na naman sya"- natatawang sabi ni Clarisse kay Shekinah
"Hindi kaya! Pauso kayo"- sabi ko sabay kuha ng juice sa table
"Pft. But what if ligawan ka ni Louis Kenji?"- nasamid ako sa sinabi ni Clarisse
"Dahan dahan naman!"- sabi ni Clarisse sabay himas sa likod ko
"Okay na ko "- sabi ko
"Oh so what if nga?"- tanong nya ulit
"Ewan ko"- sagot ko
"Alam mo napaisip ako. Paano nga kapag niligawan ka niya? Ano gusto mong gawin nya?"- tanong ni Clarisse
"Huh?"-tanong ko din pabalik dahil hindi ko naintindihan yung gusto nyang iparating
"I mean, gusto mo ba kapag tinanong ka niya kung pwede manligaw may preparation pa? Like Candlelit Dinner or habang namamasyal "- tanong ni Clarisse
"Ewan ko"- sabi ko
"Ano ba yan? Walang kwentang sagot"- inis na sabi ni Shekinah
"Tanga lang? Kapag sinabi ko edi hindi na surprise iyon kasi kapag nakita ko na alam ko na iyon na yon. My gosh! Isip isip din guys"- sabi ko
"Ahh so gusto mo surprise?"- tanong ni Clarisse
"Kung ano sinabi ko kanina iyon na yon "- sagot ko
"Hoy Pia umayos ka. H'wag mo akong tinatarayan baka gusto mong.."- banta ni Clarisse sabay pakita ng kamao nya
"Joke lang! Kasi naman halos lahat naman ng babae gusto ma-surprise kahit isang beses lang sa buhay nila"- sabi ko
"Well not me" "That why I said halos kasi hindi lahat"- sabi ko kay Clarisse
"Isa pa Pia"- banta ulit nya
"Kasi naman ang weird ng tanong nyo. Tingin nyo ba gagawin nya yun? Hindi naman diba. So why bother asking me such questions?"
Napatikhim naman silang dalawa bago nagsi-ayos ng upo
"Gwapo naman sya diba?"
"Oo"
"Mabait?"
"Oo"
"Nagkakasundo kayo?"
"Uhm yes I guess"
"Napapasaya ka nya?"
"Minsan"
"Teka nga! Bakit ba ako lang tinatanong nyo?"- pagputol ko sa mga tanong nila
"Ayaw mo? Oh sige hindi ka na namin kakausapin"- sabi ni Clarisse sabay lakad papuntang kwarto
"Ciao!"- paalam naman ni Shekinah bago pumasok sa kwarto nya
"Mga baliw!"- sigaw ko at narinig ko naman ang tawa ni Shekinah mula sa kwarto nya
Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang kaaway namin sila. Tapos biglang getting to know each other pero as friends lang naman. Tapos kanina may nagka aminan ng feelings and mukhang may mangyayaringligawan.
Bigla ko tuloy naalala mga tanong ng kaibigan ko. Paano nga kaya kapag nanligaw sa akin si Louis Kenji?
Ready na ba ko? Kaya ko na ba pumasok ulit sa relasyon? Handa na ba ulit ako masaktan?
Gusto ko na ayaw ko. Gusto kasi komportable naman ako kay Louis Kenji. In fact, masaya sya kasama and kung manliligaw man sya mukhang magwo-work naman.
Ayoko kasi paano kapag mali ako? Nakakatakot. Ayoko na ulit maramdaman yun. Ayoko na masaktan.