Hay thank God dumating na mga kaklase ko pero wala pa ang Prof
Si Pia at yung Louis Kenji nagka ayos na Actually nasa labas silang apat ngayon (Pia, Andrea, Thomas Andrew at Louis Kenji)
Si Shekinah at Jan Ian naman nagsa-soundtrip
"She, Cr lang ako"- paalam ko and nag nod lang naman sya
Paglabas ko agad akong nagpaalam sa dalawang babaita and nag okay naman sila
Wala silang balak samahan ako
Papunta na ko ng Cr ng may humarang sa dinadaanan ko
"Look who's here"- pag tingin ko
"What? "- sabi ko
"Anong what? Ang yabang kala mo naman maganda. Porket sa inyo itong school kung makapag maldita ka akala mo lahat takot sayo. Ayusin mo ugali mo kung ayaw mong ako mag ayos dyan"- Sabi ni lea.
What lang tinanong ko hindi pa nya alam?
"Lea, unang una hindi ako nagmamayabang na maganda ako kase maganda naman talaga ako. Pangalawa, sa amin talaga tong school kaya may karapatan akong gawing ang gusto ko. Pangatlo, maldita talaga ako papaalala ko lang sayo na since birth ito. Pang apat, bakit hindi mo subukan unahin na ayusin ang ugali mo bago ang ugali ko? Umalis ka sa dadaanan ko kung ayaw mong makipag lips to lips sa semento "- Sabi ko habang sya nakataas pa kilay at may sasabihin pa sana sya kaso inunahan ko na
"At oo nga pala, ibaba mo yang kilay mo kung ayaw mong bunutin ko yan isa isa"- sabi ko bubuka na sana ulit bibig nya pero tinignan ko sya
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Sya si Lea Andi. Naging boyfriend nya yung ex ko pero ngayon ay hiwalay na sila.
Galit na galit sya sa akin kasi nakipagbreak ang ex boyfriend nya na ex ko dahil sakin. Sabi nya kasalanan ko daw. Ts.
Pagbalik ko ng room ay nasabi ng kaklase ko wala daw mga Prof dahil may biglaang meeting kaya nag gala na yun iba. Naabutan ko yung apat parin sa corridor
" Clarisse saan ka galing?"- Tanong ni Pia
"Nag paalam ako sayo inyo ah? Kailangan ulitin? Kung hindi mo maalala wala na ko kasalanan"- Sabi ko at akmang papasok na sa room pero
"Oh papasok ka sa room eh wala namang prof "- Andrea
"Obvious naman kasi nasa labas kayo at walang ibang tao"- Sagot ko
"Oh bakit ang taray mo? Tara nga gala tayo"- sabi ni Pia
Papasok na ulit sana ko pero nagsalita ulit si Andrea
"Hoy saan ka punta? Tara na Gala na tayo"- Sabi ni Andrea habang inaayos bag nya
"Hindi pwedeng kuhanin ang bag at tawagin si Shekinah? Sige ikaw na kumuha!"- sigaw ko na ikinagulat nilang apat