"..tapos tapos-- Hahahaha Tapos sabi nya Anggolito daw ang ipapangalan namin pag magkakaroon kami ng anak. Pffft~ Hahaha Grabe laughtrip talaga ako nun eh. Haha Tapos nung minsan naman monthsary namin, niregaluhan ako ng boxer. Boxer, dre, boxer. Hello Kitty ang design. Hahahahahahahaha" Hindi sya magkandamayaw sa pagtawa habang nagkukwento. Nakahawak pa sya sa tyan nya at pinapalo-palo ang sariling binti. Halatang masaya sya.

Napapatawa na din ako, pero hindi dahil sa kinukwento nya kundi dahil sa itsura nya habang tumatawa, ang epic kasi. Mukha tuloy kaming timang dito sa karinderyang kinakainan namin, tawa kami nang tawa. Sabay kaming mag-tanghalian ngayon, may paper works pa daw kasi ang girlfriend nya.

Sana laging ganito.

Sana lagi kaming masaya.

Sana lagi kaming magkasama.

Sana...sana nga.

Kaso alam ko namang hindi mangyayari yun.

Dapat makuntento na ako sa ganito. Yung bilang lang yung oras na makakasama ko sya. Atleast nakasama ko sya diba? Kahit paano ay masaya na rin ako kahit alam kong pansamantala lang ito at matatapos din maya-maya.

Bigla syang tumigil sa pagtawa at pinunasan ang luha na sanhi ng sobrang pagtawa. Ngumiti sya na para bang may magandang iniisip. Tumingin sya sa'kin, mata sa mata. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Pero eto, seryoso. Alam mo yung feeling na yun? Yung tipong kahit ang epic nung mga binibigay at pinagsasabi nya sa'kin ay tinatanggap ko pa din ang mga iyon at pinapahalagahan." Sabi nya habang nakangiti at nakatingin sa kawalan.

"Tapos pag makikita o makakasama ko sya, iba yung palpitation ng puso ko. Parang abnormal. Feeling ko isa sya sa mga ugat na nakakonekta sa puso ko kaya napapatibok nya ng ganun yun-- Arghh! Kainis. Ito yung epekto ng love, kakornihan! Hahaha Grabe. Ang korni ng mga pinagsasabi ko. " Namumula sya. Napangiti ako, ang cute nyang tignan.

"Hmm. Pero ang sarap sa pakiramdam mainlove, kahit madalas mangyari yung realization na para ka nang bakla dahil sa mga kakornihang naiisip mo. Haha Baliw na yata ako. Lam mo ba? Nung kinasal si Ate, bigla kong nakita yung image naming dalawa na para bang kami yung ikakasal. Pumasok nga sa isip ko nun na hindi ko na sya kayang mawala sa buhay ko eh."

"Ah g-ganun ba? Hmm. M-masaya ako para sa'yo." Naramdaman kong may namumuo nang luha sa gilid ng nga mata ko.

"S-sige. Una na ko. May ita-type pa k-kasi ako eh." Tumayo na agad ako at naglakad palayo sa kanya bago pa man tumulo ang mga luha ko.

"Uy! Teka! Uy hintayin mo ko." Sabi nya. Sinusundan nya ako kaya mas binilisan kong maglakad-- tumakbo.

Ng mapansin kong hindi na nya ako sinusundan at malayo na ako sa kanya, tumigil ako sa isang bakanteng lote at doon umiyak ng umiyak. Hindi ko pala kaya na pakinggan sya habang nagkukwento tungkol sa kung gaano nya kamahal yung girlfriend nya. Ang sakit. Sobrang sakit. Pakiramdam ko may kung anong pumipiga sa puso ko.

"Psssst!" Lumingon ako kung saan nanggaling ang tunog na iyon. Isang magandang babae na naka-uniform ng gaya sa uniform namin sa office, siguro nasa ibang department lang sya.

"Uhm. Bakit ka umiiyak? Love problem ba?" Naramdaman kong naupo sya at tumabi sa'kin.

"Naku ayos lang yan. Mahal ka nun." Lalo akong napaiyak dahil sa sinabi nya. Sana nga mahal nya ako. Sana nga.

"U-uy may nasabi ba akong masama? Sorry. Sorry. Hala shet ang tanga ko. Aish! Bakit ba kasi nagsalita pa ko. Uy sorry talaga. Don't worry di na ko magsasalita. Promise, close my heart. Please wag ka nang umiyak." Medyo napatigil ako sa pag-iyak at natawa sa mga ikinilos nya. Tarantang-taranta kasi sya.

"B-baliw ka ba? Umiiyak ka tapos bigla kang t-tatawa dyan." Umiling ako at nginitian sya.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.

"I'm Rebecca from Quezon City. Twenty-fooooooour!" Sabi nya na para bang nag-papakilala sa isang pageant. Lalo akong natawa.

"Ang jolly mo naman, ang cute mo pa. Ako pala si Kris." Nakita ko syang namula at tumingin sa ibang direksyon.

"A-ano. Uhm. Sabay na tayo papunta sa trabaho. Malapit na matapos yung lunch break." Sabi nya saka ako hinila patayo at tumakbo.

Aray Ko BheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon