CHAPTER NINE

626 17 0
                                        

*****************

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko at agad namang sinundan ng isa pang tunog  tumatawag si Eyz...

"Beshy!!!"

"Good morning?"

"Ayy im sorry good morning din nga pala pumunta ka dito bilis!!!" Excited ang boses nito kaya umoo na lang ako at inayos ang sarili ko pagkatapos ay dali dali akong bumaba pero natigil ito ng may marinig akong nagtatalo

"Ano?! Gagawin pa ba natin?"

"Ofcourse sumusuko ka na?! Napaniwala na natin sya?! We come this far!!"

"Hindi sya naniniwala even you!! Wala na syang tiwala sa iyo!!"

"Dahil wala kang ginagawa!!"

"Dahil hindi mo kayang magpanggap na tatay sa kanya!! You are an as***le Ty----"


*********************






(Alarm clock rings)

Napabalikwas na naman ako ng bangon at napahawak sa ulo ko sumakit ito dahil sa bigla kong pagbangon  .....

Panaginip...

Panaginip na naman...

Agad kong inayos ang sarili ko at agad
Bumangon pagbaba ko ay wala akong narinig na kahit ano bukod sa tunog ng nagluluto sa kusina

Bumaba ako at nakita ko si manang na nagaayos ng almusal

"Sila Daddy?"

"Ayy Brielle anak ikaw pala yan eh umalis na kasama si Madam ewan ko lang ha kasi--" naputol ito at natigilan saglit kaya napatitig ako dito tumawa naman ito na parang kinakabahan

"Ano po?"

"Ay naku kung ano ano na sinasabi ko ay Anak wag mo na lang akong intindihin at kumain ka na ng almusal"

"Manang ano nga po iyon?" Napabuntong hininga naman ito at bumalik sa pagluluto pero nagsalita din naman

"Alam mo napapansin ko ay nagiiba na ang ugali ni Madam... Hindi ka ba nagtataka? Laging nagbabago ang mga katulong dito pabago bago sya ng katulong natatakot nga ako na baka ako naman ang isunod nito" mahabang paliwanag naman nya...

Bakit hindi ko alam?

Kung sabagay lagi kasi akong dumidiresto sa taas ng kwarto pero bakit parang may kakaiba

"Ahh ganon po ba... Sige po mauuna muna po ako"

Tumango kang ito at agad naman akong lumabas ...

Pagkalabas ko ng bahay ay nasalubong ko si mommy na may kausap na lalaki na nakaitim lahat parang carnapper ... Sorry sa decription pero parang ganon ang istura..

Hindi naman ako napansin nito kaya agad akong sumakay sa motor ko at dali daling pinaharurot ito pero bago yon ay narinig ko pa ang mga salitang bumagabag sa isip ko hanggang sa makarating sa eskwelahan...

"Bakit hindi sila kumikilos? Nasa teritory tayo at kala---"

hindi ko na naalala pa yung kasunod ng bigla na lang may humarang sa akin isang grupo ng lalaki na nakaharang sa may gate...

Ngumisi lang ang mga ito sa akin pero pinadaan din ako..

Pinarada ko ang motor ko at pumunta na sa classroom pero napansin ko ang tinginan ng tao sa akin lalo na sa likod ko kaya tingnan ko kung may tao dito pero wala at may naisip ako kaya kinapa ko ang likod ko at napansin kong may nakasulat dito..

"Malandi ako ...Huwag tularan"

Nilamukot ko naman ang papel at taas noo pa rin akong naglakad...

Pagpasok ko sa classroom ay tahimik lang sila at parang nakaabang sa kung ano gagawin ko o kaya naman ay parang nanonood ng palabas kung saan nasa climax na sila hindi ko ito pinansin at umupo na lang ako

"Quit staring o ihahampas ko yang mga ulo nyo sa desk na kinalalagyan nyo"agad silang umiwas ng tingin napansin ko na wala pa rin si Eyz... Nasan kaya ang g*ga kanina ko pa rin napapansin ang palihim na tawa ng mga estudyante dito kaya mas lalo akong nainis

Idagdag mo pa ang prof ko na ganon din dahil sa wala akong maintindihan sa mga sinasabi nya.. nakakagulo sya ng utak pero napakahirap kapag nagpapaquiz sya wala namang naituturo tss..

Nagmagbell ay agad akong tumayo ng mapansin kong sumama yung upuan sa palda ko ipinikit ko ang mata ko para pigilan yung inis ko ...

Napakaluma ng style nila sa pambubully sa sobrang luma gusto kong manuntok ng kung sino

Hinila ko ang palda ko pero ayaw pa rin hinila ko ito ng buong pwersa kaya bigla na lang napunit yung palda ko at kita ko ang malaking butas dito  makikita na rin ang cycling ko kaya  nakarinig ako ng iilang mga sipol kaya  tiningnan ko sila ng masama kaya yung karamihan sa kanila ay umalis na...

Dahil sa sobrang inis ay tinanggal ko yung palda ko at hinayaan yung cycling ko na bumalandra sa kanila

Pagbukas ko ng pinto ay muntik na akong mapamura dahil may bumagsak na slime sa ulo ko itlog at harina.. great....

Sisiguraduhin kong babalik ang sinasabi ni Rensy ang pagbibigay ko raw ng candy...

Agad akong pumunta sa locker room at hindi na inayos ang sarili ko para magpalit

Pero pagbukas ko ng locker ko ay tumambad naman sa akin ay isang pusa na nagkalat ang laman loob sa locker ko ... Sa inis ko ay kinuha ko na akng ang kailangan ko at padabog itong sinarado

Padabog din akong naglakad pero nabigla ako ng madulas ako sa kung anong bagay at nasaldak sa sahig agad nagkalat ang gamit ko na pinulot ko din naman pero isang papel ang nakaagaw ng pansin ko

Go to your motor b*tch


P*t*ngina

Yung motor hindi ko na ininda yung sakit ng katawan ko sa pagkakabagsak at pumunta sa parking lot napahilos ako ng mukha ng makita ang nangyari sa motor ko

Butas at nawawala yung isang gulong... Punong puno rin ng gasgas at yupi sa bawat parte at nagmistulang rainbow dahil sa ibat ibang kulay ng pintura na nadito...

Motor... Yung motor ng Kuya ko.. Kingina nila

May nakita ulit akong papel kaya binasa ko ito

Enjoy the show? Wait for more b*tch hindi  pa ako tapos sa iyo

At lalong hindi rin ako tapos sa iyo.. pagnalaman ko kung sino ka ewan ko na lang papakalbo kita at kung wala kang buhok pwes gagawa akong paraan at lalagyan kita ng buhok gamit itong kamay ko...

Arggghhhhh I hate this day!!!

******************
To be continued

Worst Nightmare (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon