Author's NOTE!!
WARNING ito ay kailangan basahin! Kailangan talaga! Hehehe so eto na itong chapter na ito ay sa flashback ni Sarah kung paano sya naging gangster at ano talaga si Kurt para mabawasan na ang sikreto nila malalaman na rin natin ang iba pang katanungan... Sino ba talaga sila? Ano nga ba talaga sila sa buhay ni Brielle panget?
********************
"Sino ang pumatay kay Daddy?" Napalingon ako kay Kuya na ngayon ay matalim na nakatingin kay Mommy
"Kuya wag mong tingnan si Mommy ng ganyan!" Lumingon sya sa akin at nagulat ako ng sigawan nya ako
"Tumahimik ka Sarah" umiiyak ngayon si mommy kaya niyakap ko sya
"Ma sino.. sino ang pumatay kay Papa?" Lumapit si Mommy kay Kuya at hinawakan din nito si Kuya na para bang pinioigilan ito gusto ko ring gawin iyo dshil alam kong galit na galit na si Kuya
"Mafia ... Pero anak wala silamg kasalanan" mafia talaga ang pumatay kay daddy pero sino?
"Sino?" Umiling iling lang si mommy hindi nya kilala
Pero bakit sinasabi nyang walang kasalanan?! Edi sino talaga ang pumatay!
"Mommy alam kong kilala mo sino" Hindi sya sumagot inis na sumigaw si Kuya at basta na lang umalis
"Sarah.. sundan mo ang kuya mo... Mag-iingat kayo " tumango ako kay mommy at agad na hinanap si Kuya
********************
"Nakita mo ang kuya?" Umiling ako kay Mommy hindi.. hindi ko sya nakita! At ang nakakainis pa! Hindi ko sya makontact!
"Sige na magpahinga ka muna ako na--"
Parehas kaming nagulat ni mama ng bigla na lang may kumalabog at nagbukas ng pinto nakita ko ang o
Pagmamadali ni kuyang pumanik sa taas na hindi man lang kami nagawang batiin
"Puntahan mo ang kuya mo" napatango ako at pumunta sa kwarto ni Kuya pero napansin ko na nakabukas ng ang pinto
"Malas!!" Napaatras ako saglit pero kinalma ko ang sarili ko
"Bakit hindi ko sila mahanap?!!" Mahanap? Ibig sabihin... Napatakip ako ng bibig hinahanap nya ang pumatay kay Daddy?
Huminga ako ng malalim at pumasok sa kwarto
"Kuya" nakita ko ang pagkagulat sa itsura nya
"Kanina ka pa?" Ngumiti na lang ako at umupo bumuntong hininga sya pero ngumiti pa rin
"Pasensya ka na sa nangyari kanina wag kang magalala hindi na mangyayari ito" hindi na mangyayari? Ginulo nya ang buhok kaya kahit papaano ay napangiti ako
"Sige na matulog ka na" tumango ako at pumunta sa kama nya
"Sabi ko matulog ka na" nagpanggap ako na tulog na para hindi na sya mag reklamo napabuntong hininga sya kaya napangiti na lang ako sa isip ko
Narinig ko ang hakbang nya palapit kaya ginalingan ko pa ang pag acting kailangan ko talagang galingan
"Sarah pasensya na pero kailangan ko talagang gawin ito patawarin nyo sana ako ni Mama sorry little sister pero nakausap ko na si Black makakaganti na tayo... Makakaganti na tayo Sarah"
BINABASA MO ANG
Worst Nightmare (COMPLETED)
Fiksi RemajaPart 2(Book 2) Panaginip Sabi nila time will heal your broken heart Unti unti itong mabubuo paglipas ng panahon Pero hindi ito totoo Sa bawat panahon at oras na dumadaan lalong bumibigat yung nararamdaman ko... Mas nadadagdagan ang problema ko Mas...
