Brielle's POV
Nalilito na ako...
Nahihirapan na rin ako...
"Gumising ka na... Don't create a nightmare in your own game"
Yung sinabi ni Tracey... Si Dra. Lynne ang mga taong akala ko bibisitahin ako... Ano ba ang nangyayari?
"Wag mo ng intindihin ang sinabi ko matulog ka na! Gusto ring matulog hano" bumalik ang pagiging mataray nito pero hindi ako naniniwala sa arte nya halata pa rin na may iniinda sya hindi lang emosyonal kung hindi pati na rin physically.. pasa puro sya pasa may sugat pa ata sya sa may tyan... Ewan...
Ano ba ang nangyari sa kanya?
"Matulog ka na lang mamaya ko sasabihin" nakita ko na tuluyan na syang humiga at parang nakatulog na agad sya
Napagpasyahan ko na ring matulog para magkaroon na ako ng sapat na lakas nakakapanghina na ang ospital na ito lalong lalo na ang kwartong ito sa tuwing tinitingnan ko ang paligid ay puro sagutan lamang nila Tracey at Dra. Lynne kanina
Gusto ko ng umalis gusto ko ng lumayo...
********************
"Sh1t pumunta ka sa may deck! Nandoon sila !" Teka nasaan ako? Kahit naguguluhan ako ay tumango ako sa taong hindi ko naman kilala kung sino malabo ang itsura nito
Ayan na naman putok ng baril.. mga taong nakahandusay sa sahig.. dugo..
Nang makapunta ako sa sinasabi nya ay napaatras ako ng makakita ako ng ahas...
Papalapit ito sa akin nilingon ko ang paligid ko wala... Wala ng kahit ano tanging dilim na lang
"Princess" daddy...
Hinanap ko si Daddy pero napitlag ako ng may naramdaman kong may humawak sa balikat ko habang patuloy pa rin ang paglapit ng ahas
"Princess ..." Bigla na lang nangilabot ang katawan ko ng lumapit sa akin ang boses hindi kaya...
Sinubukan ko ng umalis pero mas humigpit ang kapit ng taong nasa likod sa akin
"Wag kang umalis princess" matutuklaw ako ng ahas!
"Daddy! Bitawan nyo ako!" Mas lalo pa akong nagwala pero nasaktan lang ako dahil lalo pang humigpit ang hawak nya
"Daddy tama na!" Napalingon ako sa ahas ng bigla nitong itaas ang ulo at sinunggaban ako
"Daddy!!"
************************
"Daddy!" Napatingin ako sa paligid ko.. pinunasan ko ang noo ko dahil patuloy ang pagaktak ng pawis ko...
Ano ? Ano yung panaginip na yon?
"Nightmare?" Wala sa sarili akong napatango...
"Gusto ko ng umalis dito..." Halata ang pagtataka sa mukha ni Tracey pero tumango lang ito sa akin...
********************
"Saan naman tayo pupunta?" Si Tracey ang nagdadrive ng kotse pansin ko na bago na ito syempre hindi naman namin magagamit ang kotse kong nasira na...
Sa tingin ko ay sa kanya ito Lamborghini hindi na masama
"May condo ka ba?"-sya Nakatingin syang diresto sa daan teka...
"Bakit hindi na lang tayo sa inyo? Wala.... Wala akong condo.. hindi ko naman naisipan na bumili non"
"Sa akin? Wala akong condo.. wala na rin akong bahay... Kotse na lang at konting ipon" what the---
BINABASA MO ANG
Worst Nightmare (COMPLETED)
Fiksi RemajaPart 2(Book 2) Panaginip Sabi nila time will heal your broken heart Unti unti itong mabubuo paglipas ng panahon Pero hindi ito totoo Sa bawat panahon at oras na dumadaan lalong bumibigat yung nararamdaman ko... Mas nadadagdagan ang problema ko Mas...
