****
// Khate's POV //
"Ayiieee! Tumitingin siya sa'yo oh!" Kantsaw sakin ni Eya at kinurot ako sa tagiliran. Nakatalikod ako sa direksyon nina Roshan habang si Eya naman ay nakaharap sa kanila."Tumigil ka nga." Bulong ko sa kanya at kinagat ang labi ko para hindi ako makangiti ng husto.
"Ah sus, Khate." Pang aasar ni Eya sabay tawa. Humarap ako at napatanto na wala na pala sina Roshan. "See? You missed the opportunity." Ika niya sabay ngisi. Aba 'tong gagang 'to!
"Ipahalik kita kay Marcus, gusto mo?" Ayan nga, napatahimik siya. O ano siya ngayon? *windshield laugh*
Inikot niya ang mata niya. "Whatever." Masungit na sabi nito sabay walkout kaya napatawa nalang ako sa kakyutan niya.
// Third Person's POV //
Pinataas na ni Laoshi (Author-nim: Laoshi means teacher in Chinese) Anita ang mga estudyante niya sa room nila.[ Room ]
Pagkatapos nilang mag dasal pinaupo na sila ni Laoshi."Xie Xie Laoshi." (Translation: Thank you, Teacher.) sabi nila bago umupo.
Habang nagtuturo si Laoshi sa harap, naramdaman niya na walang nakikinig sa kanya.
"ST. THERESE!" Sigaw ni Laoshi kaya napatahimik ang lahat. "LUMABAS ANG AYAW MAKINIG! LABAS!" Ayun nga, lumabas ang ibang mga kalalakihan.
Napasapo nalang sa noo ang iba nang lumabas talaga ang ilan sa mga kaklase nila.
"Hoy!" Tawag ni Laoshi sa mga lalaking nasa labas. Napalingon sila sa kanya. "Bakit kayo lumabas?" Tanong ni Laoshi sa kanila.
"Kasi sabi mo?" Patanong na sagot ni Ryu. Napabuntong-hininga ang guro nila. "PASOK! PUMASOK KAYO, NGAYON NA!" Sigaw nito sabay turo sa loob ng room.
Bumuntong-hininga sila bago isa isang pumasok.
[ Fast Forward: Wednesday Morning ]
Nasa may lobby na ang buong St. Therese. Handa na silang lahat.
Pero hindi pa dumadating ang famous turtle ng St. Therese na si Ethan.
"Bwisit. Masipaan ko talaga ang junior ni Ethan pag matagal pa siya." Nanggigigil na sabi ni Erica at umupo saglit.
"Ow heey! Sorry I'm late guys! Nakatulog pa eh." Napatingin ang lahat kay Ethan na kararating lang. Naka simpleng black t-shirt siya at shorts with matching summer slippers.
Binatukan siya ni Marcus. "Bwisit kang pahong ka! Halos 30 minutes na kaming naghintay sa'yo kanina!" Paalala ni Marcus sa kaklase.
Nag peace sign si Ethan. "Sorry. Nasira alarm clock ko eh." Sabay gulo sa kanyang buhok.
"Shit. Ang hawt." Kinikilig na bulong ni Charles habang pinagmasadan si Ethan sa ginagawa niya.
"Tumahimik kang malanding baboy ka." Singhil ni Luis sa kanya
"Nasaan ba ang bus?" Tanong ni Ethan sa mga kaklase niya.
Kumibit-balikat si Jared at umupo sa monobloc chair. "Wala pa daw sabi ni Miss." sabi nito sabay saksak ng earphones niya sa tenga niya.
Umungol ang iba sa kainipan.
Habang ang ibang mga estudyanteng naka uniporme ay pinagtitingnan at pinagbubulungan sila sa inggit.
// Ryu's POV //
"Ang gwapo ko talaga~" Kanta ko sabay ayos ng buhok ko.Hinarap ko ang sarili ko sa salamim. "Sheet. Kim Taehyung oh. Pak!" Bulong ko at hinawakan ang oh-so-precious- face ko.
YOU ARE READING
Blood Sweat and Tears // on-going //
HorrorSt. Therese [ Class Picture inspired story ] PS: Hindi ko po kinokopya ang title ng story ni ate Desteen :) Sadyang parehos lang kami ng title pero hindi ang laman ng story. Hekhek. -Horror - Comedy - Teen Fiction - Romance - -cover by: @leksyon97-