Chapter 5- Hide and Seek + Bye Kleah and Carl

52 1 2
                                    

*^*

// Third Person's POV //

* KINABUKASAN *

// Thursday Morning, Day 2//

"Gising mga suki!!!" Sigaw ni Jared at iningay ang hawak hawak niyang kaldero.

"Bushit, Jared. Maaga pa oh." Reklamo ni Ryu sabay takip sa kumot niya sa kanyang katawan. Tama nga naman si Ryu, 4:45 am pa rin naman.

"Pag hindi kayo bumangon, wala kayong pagkain mamaya." Awtomatikong bumango ang lahat at ginawa ang kani-kanilang morning routine.

*^*
Pag lipas ng ilang minuto, bumaba na ang lahat sa kusina.

Nasinghap nila ang bango ng niluluto ni Manang Vi.

"Ohmygod! My favorite bacon!" Hiyaw ni Eleika at tumingin sa mga kpoppers na nagkatinginan. Si Byun Baekhyun ang tinutukoy nilang "Bacon" sa kpop industry.

"Manang pwede na po bang umupo?" Natatakam na tanong ni Jayzee kay Manang Vi. Napahawak sila sa mga tyan nila kasi tumutunog na ito.

Tumawa si Manang vi at tumango. "Aba'y oo naman! Hala sige! Magdasal na kayo't kumain! Alam ko naman na nagugutom na kayo!" Sabi naman ng matanda sa mga estudyante.

Nagdasal na sila at kumain.

Habang kumakain, kumunot naman ang noo ng iba nung napansin nilang medyo dumidikit si Janella kay Marcus.

"You think na sila na bai?" Bulong ni Vicky kay Jusselle habang kumakain sila ng bacon.

Umiling si Jusselle. "Hindi. Naiilang nga si Marcus kay Janella oh." Nginuso ni Jusselle si Marcus na diring-diri nga kay Janella. "What made you think that?" Tanong ni Jusselle sabay kagat ng bacon.

Kumibit-balikat ang vise president. "Parang eh. Attached na attached kasi si Janella kay Marcus." Sagot nito sa kaibigan.

"Uy psst Athea!" Tawag ni Jared kay Athea habang kumakain sila sa salas.

Tumingin si Athea sa kanya habang kumakain ng spam na may halong itlog. "Oh?"

"Hindi ka ba nagseselos kina Janella at Marcus? I mean, come on. Tingnan mo nga si Janella."

Tumingin naman si Athea at ang mga kaibigan niya sa may lamesa sa kusina. Kasama ni Marcus ang mga kaibigan niya pero nakaaligid sa kanya si Janella na may ngiting tagumpay.

Umiling si Athea at bahagya pang natawa. "Hindi uy. Hindi naman kami ni Marcus. Hindi ko naman siya gusto." Mahabang sagot ng dalaga. Pero ang totoo ay may kung anong sakit na nararamdaman si Athea sa kanyang puso habang tinitingnan sina Janella at Marcus.  Parang nadudurog ito. Parang gusto niyang pumatay ng isang daang Janella— este tao pala na mukhang ewan.

Tumawa si Rhiannon. "Okay. Okay. Chill girl. Yes or no lang naman ang kinakailangan namin." Natatawang wika ni Thia bago niya nilagay ang plato sa lababo. Ganon na rin ang iba. Inirapan nalang ni Athea si Rhia kaya mas lalo silang natawa dahil halatang nagseselos ito sa dalaga't binata.

*^*
Pagkatapos ng lahat kumain, nagyaya si Macky sa mga kaklase niya na maglaro sila ng "hide and seek".

"Ako taya!" Parang batang sabi ni Jared sabay takip sa kanyang mga mata at sumandal sa pader. "I'll count 1 to 50! Pag abot ng limampu nakatago na kayo... isa...." Nagsitago kaagad ang lahat.

Dumiretso si Athea sa walk in closet ng kwarto nila. Hindi alam ni Athea na nakatago rin si Marcus at Janella sa loob.

"S-sino yan?" Tanong ni Marcus habang kinakapa ang mukha ni Athea.

Blood Sweat and Tears  // on-going //Where stories live. Discover now