Chapter 1 - Dugo

79 2 7
                                    

(A/N: Guys ito na yung sinasabi kong story!!! Hope yah enjoyyy! PS guys hindi magkaparehas sina Athea, Ysa, Rhia, Zoe, Jared at Marie dito sa A Fangirl's Dream. Parehos lang ang mga names nila. Wag sana kayong malito.)

( SNEAK PEAK )

****

// Athea's POV //
*Monday Morning*

"Ang gwapo talaga ni Jack!" Kinikilig na sigaw ko sabay hampas sa braso ni Rhiannon.

Andito nga pala kami nina Rhiannon, Ysavette, Zoe at Marie sa Sky Gym. Nanunuod ng basketball game ng mga ultimate crush namin sa campus na sina Jack (mine), Christian (Rhia), Min (Ysa), JD (Zoe), Jinnie (Marie), Justine, at Monnie aka BT21. Sila ang pinakasikat na grupo sa RA. (Raine Academy)

"Wag ka ngang maingay dyan, Eya! Tie na ang score nila oh!" Sita sakin ni Zoe. Inirapan ko nalang siya at kumain ng popcorn na nasa hita ko.

"Whaaaaa!!!" Malakas na tili ko with matching tayo nang nakashoot ng bola si Jack. Ayon nga, natapon lahat ng popcorn ko sa sahig.

Habang tutok na tutok kami sa panunuod....

"Ysa, Thea, Zoe, Rhia, Marie! Tawag tayo ni Miss! Dumiretso na kayo sa room kasi tatawagin ko pa ang iba." Sigaw samin ng Jared— our beloved president.

"Okay wait!" Sagot naming lima at tumayo. Bago kami lumabas sa Gym, nag flying kiss muna ako kay Jack my love.

[ Room ]
Pagdating namin sa room, mga kalahati palang ang nandoon. Syempre, di naman maeawal ang mga kulitan.

"Attention guys! Attention. Everybody sit down!" Napalingon kami sa pinto kung saan nanggagaling ang sigaw na iyon.

Pumasok si Miss Mitch sa room at umupo sa teacher's table.

Pumasok naman ang mga kaklase kong tumambay sa labas ng room.

// Third Person's POV //
"May binigay na award ang principal sa inyo for being the most quiet..."

"Weh?" Bulong ni Ryu.

"— Most cleanliest room..."

"Talaga?" Natatawang bulong ni Charles.

"—Most behave..."

"Hala, kailan lang?" Bulong ng presidente nilang si Jared.

Napatawa naman ang lahat ng mahina. Lahat kasi ng sinabi ni Miss ay kabaliktaran ng mga ugali nila.

"Magbabakasyon kayo sa Samal for a one week and three days!" Masayang sabi ni Miss sa mga estudyante niya.

5 seconds... 10 seconds...

*1 Minute Silence*

Napakunot noo si Miss Mitch. "Wala ba kayong marereact? Hindi ba kayo—" naputol ang dapat sabihin niya nung biglang humiyaw ang mga estudyante niya.

"Yes!!"
"Wohooo! Stress free!"

Nag victory dance naman ang buong St. Therese sa nalaman.

Blood Sweat and Tears  // on-going //Where stories live. Discover now