1
Nakakabinging katahimikan ang nadadama ko sa buong bahay. Tumingin ako sa paligid ng bahay. Maraming agiw, at halatang matanda na ang bahay na to. Nagpakawala ako ng buntong hininga. Kung hindi nga lamang ako pinadala ni mommy at daddy dito, ay hindi ako pupunta rito.
Makikita sa bahay ang katandaan at kalumaan ngunit maganda pa rin dahil andito naman ang mga katulong na inusap ni mommy para ayusin at buhaying muli ang bahay na to. Huminga ako ng malalim bago ang pag apak sa bato batong disensyo sa apakan ng lumang hacienda.
"1896" ito ang nakaukit sa apakang disenyong bato. Matanda na pala talaga ito. Hindi ko lubos maisip. Mas matibay pa ito sa inaakala ko.
Nag aabang ang mga inusap ni Mommy sa pagbabantay at pag aalaga ng bahay para sa pagdating ko.
"Magandang umaga Binibini, nagagalak kami at nakarating ka ng ligtas dito. Ako nga pala si Pacita. Manang Pasing na lamang para di ka mahirapan. Ako ang pinakamatandang katulong dito."
Nangunot ang noo ko. Tila bumalik ako sa panahong 1896 kung saan, ang Pilipinas ay nasa ilalim pa ng pamamahala ng Espanya. Napailing ako sa iniisip.Nginitian ko ang matanda at nagpasalamat. Kinuha ng mga katulong ang gamit ko at dinala nila ito sa aking kwarto.
"Binibini." lumingon ako. "Ako pala si Maria. Anak ako ni Nanay Pasing" Kumislap at nakangiting bati ng bata.
Nginitian ko siya at naramdaman ko ang gaan ng aking loob. Hindi ko alam. Hindi ko feel magsalita. Feeling ko hindi ako bagay dito.
"Binibini, gusto mo bang ipasyal kita dito sa Baryo?" alok ni Maria na agad ko namang tinanggap. Bakas sa mukha ng bata ang saya.
Tumayo ako sa pagkakaupo
"Tara na" at nginitian ko siya.Sumasabay sya sakin sa paglakad. Paglabas namin ng gate, sumalubong samin ang Napakagandang dagat. Naglalakad kami sa buhanginan habang tinuturo nya sakin ang mga paborito niya sa Baryo na ito.
Nang makarating kami sa isang silungan, ay naupo kami roon. Doon mo makikita ang kagandahan ng tanawin. Nakakarelax.
Masayang masaya si Maria hanggang sa napatigil siya sa pagsasalita.I looked at her. "Bakit? May problema ba?"
Nag aalalang tanong ko. Nagulat ako ng may lumapit saming isang lalaki. Napatingin ako sa kanya. Damn! He's so hot. Ang matangos niyang ilong, ang mailap nyang mata at kunot ng noo niya na nagpapakita ang autoridad. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako."Maria. Sino yang kasama mo? Bagong salta?" malamig at baritono ang boses ng lalaki. Damn again. I don't even know why I feel like I'm living in 1896 with those deep tagalog words.
"Gi-Ginoo, Siya po ang Binibini sa hacienda ng mga Hidalgo na kakarating lamang kanina" kinakabahan na sambit ni Maria.
Tumingin sakin ang lalaki. "Anong pangalan mo?" malamig pa rin nyang tono.
Tinaasan ko siya ng kilay at tila nabigla sya sa pinakita kong ekspresyon.
"Di mo na kailangang malaman pa" malamig kong sambit. Nagulat siya sa sinabi ki ngunit agad ring binawi ang ekspresyon.
"Respeto, Binibini. Hindi ko alam na may babaeng ganito magsalita dito"My feeling suddenly get weirder. What the heck is this?
I rolled my eyes.
"you don't fucking care"
Sambit ko bago ako umalis sa silungan.
![](https://img.wattpad.com/cover/94146110-288-k543437.jpg)
BINABASA MO ANG
Searching For Reasons (ON GOING)
Historical FictionSherace Alyst Hidalgo Amanda Hidalgo Carlos Miguel Alonzo. Highest Rank Achieved: #52 in Historical Fiction Highest Rank Achieved: #44 in Historical Fiction Cover by: Third_Warning