3
PagbabagoNagmulat ako ng mata. Napatingin sa paligid. Ang malikhaing pagkakagawa ng kisame. Tumayo ako sa aking kama at nagpunta sa palikuran.
Tumingin ako sa salamin"anong meron? Bakit parang andaming nagbago? Hindi ako ganitong kahinhin" pagkausap ko sa sarili ko sa salamin.
Naligo ako. Pagkatapos non, naghanap ako ng damit. Nawala lahat ng damit ko sa maleta at ang nandon lahat ay mga bestidang mahahaba. Ano bang nangyayari? Bakit ganito? Pati ang pagsasalita ko, purong tagalog.Naramdaman ko ang sakit ng ulo ko kaya hinawakan ko ang aking sentido at narinig ang isang tinig na kaboses na kaboses ko.
Pero ito iba, rinig mo ang boses na parang nasa ilalim ng lupa."Sherace. Makakalimutan nila ang nangyari kahapon. Makikilala ka nila bilang Amanda. Bilang ako. Ipaghiganti mo ko Sherace. Bigyan mo ko ng hustisya. Pagkatapos ng gagawin ko sayo, buksan mo ang Taguan sa tabi ng kama. Nandoon ang aking sulatan ng lihim. Maaaring basahin mo iyon lahat sapagkat iyo na yun sa ngayon. Sa ngayon, wag kang magagalit kung tatawagin ka nilang Amanda."
Hindi ko maintindihan.
Ano ba talaga ang nangyayari."ang kapalit ng isang tanong Sherace. Kada tanong, may mawawalang isa sayo. Hanggang tuluyan ng ikaw si Amanda at hindi si Sherace. Alamin mo ang bagay bagay ng sayo lang kase di ka na makakabalik sa pinanggalingan mo."
"anong klaseng tanong ang bawal?"
"Basta"
Kinabahan ako bigla.
"sa ngayon, lakbayin mo muna ang ako ng nabubuhay pa. Habang ako? Hihintayin ka na magbalik at tapusin ang misyon."
Kasabay noon ang pagdidilim ng paningin ko.

BINABASA MO ANG
Searching For Reasons (ON GOING)
Ficção HistóricaSherace Alyst Hidalgo Amanda Hidalgo Carlos Miguel Alonzo. Highest Rank Achieved: #52 in Historical Fiction Highest Rank Achieved: #44 in Historical Fiction Cover by: Third_Warning