4
PaglalakbayHindi ito ordinaryong paglalakbay lang. Ito ay paglalakbay ko sa isip ng isang taong hindi ko kilala. Sya daw ang rason kung bakit ako nandun. Ngayon, napagtanto ko. Pano ako napunta dun? Sa pagkakaalala ko, si Mang Rene ang naghatid sakin gamit ang kotse. Nakatulog ako sa byahe nasa isang kalesa na ako at hindi ko na mamukhaan ang taong nagmamaniubra ng mga kabayo. Nagtataka man pero nung binaba ako sa mansion ng mga Hidalgo, hindi ako nagtaka pero ngayon.
"Binibining Amanda!! Nakikinig ka ba?"
Napalingon ako at nakita ko ang isang senaryo kung saan nandun si Amanda at mga kaibigan nya.Biglang umikot ang paningin ko at ibang senaryo naman.
Si Amanda kasama si..... Yung mayabang na Ginoo kahapon!!!
"Mahal ko. Salamat naman at nagpakita ka." ngiti ng ginoo at hinalikan sa noo si Amanda.
"Mahal ko, napakasaya ko ng nakita kita" si Amanda naman ay sumubsob sa dibdib ng Ginoo.
"ANONG NANGYAYARI DITO BINIBINING AMANDA? BAKIT MO KASAMA SI GINOONG *bzbzbzbz*--------"
Nahilo ulit ako at nagising na.
"Binibining Amanda, may panauhin po tayo, pinagbilin sakin ni Inang na ikaw daw po ay magbihis na" nakangiting sabi ni Maria?? "Maria po binibini"
Napangiti ako. "salamat"Nagpalit ako ng kasuotan at humarap sa salamin.
"Sherace. Bagong kabanata ng buhay mo. Papanindigan mo na ito" bumuntong hininga ako bago hayaang lumadlad ang buhok ko. Nilagyan ko ng hairclip at dahan dahang sinuklay bago bumaba.
"Binibining Amanda, kamusta ang iyong pagpapahinga?"
"maayos naman po"
Inalok sakin ni Manang ang isang upuan kung saan katabi ko ang GINOONG MAYABANG!!!!!!!
"magandang gabi Binibini. Ako nga pala si Ginoong Carlos Miguel Alonzo" nandon ang ngiting masayang masaya.
"Binibining Amanda Hidalgo"
ngumiti sya sakin bago kami kumain.
Ng matapos ang salo salo, kinuha ko ang diary sa Cabinet ni Amanda.
'pag ibig na pinagkait ng tadhana'
Yan ang nasa unang pahina ng kwaderno.
Ang sumunod na pahina ay ilang katotohanan sa katangian ni Amanda.Pangalan: Amanda Flynn Hidalgo
Tirahan: Hacienda Hidalgo
Pinanganak: Mayo 18, 1879
Gulang: (as of 1896) 17Mga Paborito:
Kulay: Puti, Itim, Abo
Pagkain: Lutong Hidalgo
Numero: 23Tapos ang sumunod na pahina ay naglalaman ng tula.
Pag ibig, pag ibig
Bakit nga ba napakasakit?
Pag ibig, pag ibig
Bakit ba pinagkaitSumunod sa magulang
Umiwas sa unos.
Pinigilan ng magulang
Na magmahal ng lubos.Nakakasakal, nakakahilo
Nakakulong sa isang kwarto
Nagsusulat ng mga tula
Kanta at iba pang talinhaga
Hinihiling na sana
Maglapit na kami ng aking sinisinta.May luhang tumakas sa mata ko. Masyadong masakit ang tulang yon para sa kauna unahang entry ng tula.
Sinarado ko ang diary at itinago muli.
Nagpunta ako sa teresa sa labas ng kwarto."binibini"
Sisigaw na sana ako ngunit natakpan nya ang bibig ko
"sshhh. Baka marinig tayo binibini si Carlos Miguel to hindi kita sasaktan." binitawan nya ang bibig ko at umagwat ng konti.
"p-pasensya ka na n-nabigla ako. B-bakit ka ba nandito eh gabing gabi na" nagrereklamo kong tanong.
Hinawakan nya ang pisngi ko.
"nabihag ako ng ganda mo binibini"Inirapan ko sya at tumalikod.
Kailangan bang ganon kami kalapit? Diba bawal yun sa panahon ngayon??

BINABASA MO ANG
Searching For Reasons (ON GOING)
Historical FictionSherace Alyst Hidalgo Amanda Hidalgo Carlos Miguel Alonzo. Highest Rank Achieved: #52 in Historical Fiction Highest Rank Achieved: #44 in Historical Fiction Cover by: Third_Warning