5

12 3 0
                                        

5

Carlos Miguel

Umalis sa nakaraan, tapusin ang nasimulan, pagbutihin ang kasalukuyan, maghanda sa kinabukasan,

Ang katapusan ay malapit ng dumating,
Tila ang mundo, ay umiikot ng magaling,
Takot, kaba, sakit sa puso, di gumagaling.

Tila hindi ko na ata kayang ituloy ang entry na ito. Masyadong masakit sa puso. Pero kailangan kong ituloy upang maalis sa isip ko ang eksena kanina.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan.

“Hayst, mababaliw na ako sa panahong to. Bakit ba kase ako pinarusahan ng ganto eh wala naman akong masamang ginagawa. Haist mom dad, I miss you. Gusto ko ng umuwi”

Habang patuloy na tumutulo ang aking luha, ipinikit ko ang aking mata at hinayaan ang aking sarili na lamunin ng antok.

“Mahal ko, hindi mo ba ako ipaglalaban sa pamilya mo” mahinang boses na tanong ko sakanya..

“Ikakasal na ako kay Malira, Amanda. Desisyon yon ng pamilya ko.” mahinang sagot niya sakin.

Nakakabigla. Isang butil ng luha ang tumulo mula sa aking mata. Pinunasan ko ito, ngunit, sunod sunod na ito at di ko na napigilan.

“Ngunit kung ganoon, bakit mo ko ginawang kasintahan? Para magkaroon ng kasintahan bago mag asawa? Ang sarap magmahal, nakakatanga” basag na boses kong lumayo sakanya.

Carlos Miguel? mula ngayon, hindi na kita kilala. Oo, hindi tayo kailanman nagkakilala.

Tumalikod ako at naglakad palayo.

Patuloy akong naglakad kahit naririnig ko ang pagtawag niya ng aking pangalan.
Hindi ako babalik Ginoo, hindi na.

Naglakad lakad ako sa tabing dagat, lumusong sa tubig hanggang sa kainin ako ng tubig.

“AMANDA GISING!”

Napabalikwas ako sa aking higaan. Tumingin ako sa paligid.

“Panaginip nga lang, pero ang katotohanang nandito pa rin ako sa panahon na ito, hindi nakakatuwa.”

Muli kong inalala ang aking panaginip. Carlos Miguel....

The most stupid person in a whole wide world. Pati ang taong minamahal hindi kayang ipaglaban.

Hindi lahat ng nakikita mo sa isip ay totoo, hanapin ang rason, nililinlang ka ng panaginip mo’

Parang isang matinis na tunog na nagpasakit saaking ulo matapos kong marinig ang munting boses na yaon..

“Binibining Amanda, narito na si Ginoong Carlos Miguel”

Saka ko lang napansin ang nanggising saakin

“pakisabi, pababa na ako”

Ngumiti sya at tumalikod na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Searching For Reasons (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon