Chapter 15

178 12 5
                                    


Nang makaalis na ang mag-asawang Montez at si Marcus naiwan na kaming tatlo sa loob ng opisina. Nauna na ring umalis si Joseph.

Hindi kumikibo si Quntin. Si Ma'am Georgina na ang bumasag ng katahimikan.

"Quintin, wala ka bang sasabihin?" baling nito kay Quintin.

Hindi sumagot si kumag at padabog itong lumabas sa opisina.

"Aba't!" hahabulin ko sana ito ng pigilan ako ni Ma'am Georgina.

"Let him Trish , hayaan mo muna siya"

"Ang hirap niyang intindihin, siya na nga ang tinulungan" naiiling na sabi ko.

"Ikaw na ang bahala magpasensya sa kanya" nakangiting sabi sa akin ni Ma'am Georgina.

"Opo" nahihiya kong tugon.

"Ma'am Georgina, hindi po kayo nagagalit kay Quintin?" hindi ko napigilang itanong.

Nakita ko na medyo natigilan ito.

"Ikaw ba? hindi ka ba nagagalit? balik tanong nito sa akin.

Natigilan din ako but I tried to ask myself galit ba ako kapag may ginagawang kalokohan si kumag?

"Ah, nakakainis at nakakapikon po siya minsan pero minsan masaya rin po siyang kasama atsaka po para po sa akin hindi po siya ganun kasama"

"Thank you Trish" biglang sabi ni Ma'am Georgina.

"Para po saaan?"

"Alam ko ang dahilan kung bakit ka andito, it's because of him right?"

Napatulala ako at hindi ako agad nakasagot.

"I'm grateful na kaibigan ka ni Quintin" I looked into her eyes and I could see that she was serious.

"Thank you Trish for not giving up on him" pahabol na sabi nito.

Men?dyo nahiya ako. "Wala pong anuman maliit na bagay lang po yun"

"Anung maliit na bagay? You trusted him and at the same time pinagtanggol mo siya. Nakakatuwa ding isipin na napapayag mo siya sa 'community service" natutuwang bulas ni Ma'am Georgina.

Hinawakan ni Ma'am Georgina ang aking kamay. " Salamat Trish for sticking up to him"

Isang sinserong ngiti ang aking isinukli.

Paglabas ko ng pinto ng Principal's office halos atakihin ako sa aking nakita.

Si kumag nasa gilid na naman ito ng pinto.

"Kanina ka pa diyan?"

"Oo" tipid nitong sagot.

"Bakit ka andyan?"

"hinihintay ka"

"bakit mo ako hihintayin?"

"dahil may kailangan ako sa'yo"

"Anu yun?" nakataas ang kilay na sagot ko dito.

"Kita tayo sa Central park sa sabado, 2pm huwag ka malalate, see you strawberry" sabi nito mabilis itong umaalis palayo.

"Anu daw?!" tanong ko sa aking sarili.

Nakakasakit ng ulo ang kinikios ng kumag na ito.

Should I go or not?

Smile For MeWhere stories live. Discover now