Chapter 21

200 10 0
                                    

Nasa harap ako ng apartment ni Quintin. Iniisip ko kung kakatok ba ako, huminga ako ng malalim at marahan ipinihit ang pinto. Bakit bukas ang pinto? Hindi marunong maglock ang kumag.

Marahan at tahimik ang aking hakbang. "Quintin?" tawag ko mula sa sala.

Halos madilim ang buong kabahayan. Pumunta ako sa kuwarto niya and he was there. Nakatalikod ito pero makikita mo ang kabuuan nito. I could hear him coughing. I went near him.

"Quintin?" baling ko ditto. Hindi ito gumalaw kaya mas lumapit ako dito. Nanlaki ang mga mata ko . Gosh! Walang suot na pangitaas ang kumag ang tanging suot nito ay boxer shorts.

Napalunok ako , narinig ko muli ang malakas nitong pag-ubo. Napapikit ako, bahala na. I put my hand on his forehead. Shocks! Taas ng lagnat ng kumag na ito! Tapos naisipan pa talaga nitong huwag magsuot ng damit? Hay!!

Naramdaman ko ang paghawak nito sa kamay ko "What are you doing here?" paos na boses na sabi nito. I could feel the tiredness from his voice.

"I heard you're sick"

"And what does it have to do with you?" pabalang na sagot nito na nakapagpainit ng ulo ko.

"Manahimik ka na nga , Ang taas na ng lagnat mo. I brought a soup and some medicine"

Magproprotesta sana ito kaso nakita ko na medyo nahihirapan ito para makipag argumento.

"Diyan ka lang" sabi ko dito. Iniwanan ko ito atsaka dumiretso sa kusina upang maghanda ng maligamgam na tubig at ipapainit ko yung soup.

I went back to the room at hindi nakaligtas sa akin ang panginginig nito. Pagkatapos ko siyang hilamusin, I took out a shirt from his drawer at isinuot sa kanya.

"Ako na!" pagproprotesta nito.

Napatalikod nalang ako. Gosh! That abs! Kakainis naman may sakit pa itong kumag na ito ha? Pero mas lalo ata siya gumagwapo sa paningin ko. That messy look of his!

Hay! Trish! Loka loka kana talaga!

"okay na" mahinang sagot nito.

Lumingon ako dito at mukhang tapos na nga ito.

"Eto oh, kumain kana" I took the soup from the tray at sinubukang subuan siya.

"Ako na"

"No, let me. Magpahinga ka"

"Say ah" sabi ko ditto.

"Nangiinis ka ba?" tanong nito.

"No, basta makinig ka nalang. Sa lahat ng may sakit ikaw ang pinapasaway"

I saw him smirk.

"what?!" naiinis na tanong ko ditto.

"Ang ganda mo talaga magalit" nagpupungay ang mata na sabi nito.

Nanlaki ang mga mata ko. "Wow ha? Malala na ata talaga lagnat mo kung anu-anu sinsabi mo" gigil na sabi ko dito.

Sinubuan ko ito ulit and he easily accepted it. Halos maubos na nito ang pagkain nito ng Makita kong magseryoso ang mukha nito.

"May problema ba?" tanong ko dito.

"Ganun ba tingin mo sa akin?"

"Ha?" naguguluhan kong sabi dito.

"Hindi ako nagsisinungaling. Para sa akin lagi kang maganda. You got very beautiful eyes." he cupped my face.

Nagsimula naman tumibok ang puso ko nang pagkabilis-bilis. Hindi ko maintimdihan ang nararamdaman ko.

Agad ako lumayo sa kanya. "Hmm, sige na humiga kana atsaka magpahinga bukas lang gagaan na pakiramdam mo"

Lalayo na sana ako ng marinig ko ang pagtawag nito sa akin.

"Yes?"

"Thank you Tanya" sabi nito na nakapikit ang mata.

Hindi ko napigilan ang pagsilay ng ngiti sa aking bibig.

"You're welcome. Here take this inumin mo na gamot mo"

Umayos ito ng upo atsaka ininom ang gamot. Lalabas na ako sana ng kuwarto ng hawakan nito ang aking braso.

"Please stay" sabi nito na nagpupungay ng mata.

"Okay" pagpayag ko dito. I went near his bed.

He patted the bed beside him. "Dito ka sa tabi ko" pagsusumamo nito.

Huminga nalang ako ng malalim at lumapit sa sinasabi nitong lugar.

Nang makita ako nito sa gusto nitong lugar, pumikit na ito atsaka Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi nito. Mukha itong bata nakita ang nawawala nitong laruan.

Tuluyan na ito nakatulog, naririnig ko ang mahina nitong paghinga.

Masuyo kong hinawakan ang buhok nito at mga mata nito na natatakpan ng makakapal na pilit mata pababa sa ilong nito.

"Please remember me" piping sabi nito na hindi nakaligtas sa aking pandinig. I looked at him at kita ko na mahimbing pa din ang pagtulog nito.

Nagtataka ako sa sinabi nito, para sa akin ba yun or nagsasalita lang ito habang tulog?

Smile For MeWhere stories live. Discover now