Chapter 17

152 16 2
                                    

He laughed when he saw my reaction. Hindi ko maiwasan ang matuwa sa tunog ng tawag nito. Simula ng nangyari kanina, hindi ko maiwasan ang maapektuhan sa kanya.

"Chill Trish, pupunta lang tayo dun para magpatuyo atsaka wala akong gagawing masama sa'yo maliban nalang If you want to" nakataas ang kilay na sabi nito with an arrogant smile of his.

Kapal ng mukha!

"Bastos!" inis na sabi ko dito, trying to hide my embarrassment.

"Sino ba ang unang nagisip ng masama?" again with that stupid smile of his.

"I hate you"

"Sabi mo eh" biglang nagiba ang timpla ng mukha nito at pinaandar na nito ang sasakyan.

True to his words, I didn't take long ng makarating kami sa apartment ni Quintin. I was in awe, ang laki at ang ganda ng lugar. Hindi mo iispin na lalaki ang nakatira dito.

"Dito ka nakatira?" nagtatakang sabi ko dito.

"Oo, sandali lang pangkukuha kita ng towel"

"Okay" Umalis ito saglit and I took the opportunity to look around. Maayos at malinis ang paligid. Sinong mag-aakala na ganito palang kaayos sa gamit si kumag. Everything looked so polished.

"Here, take this. May damit na din diyan just in case you want to change" inabot nito sa akin ang isang towel at mga ilang piraso ng damit.

"Thank you, Saan puwede ako magpalit?"

"You can change in my room, ako nalang sa may comfort room dito sa labas. There's a CR in my room just in case you want to take a shower." itinuro nito sa akin ang kuwarto.

"Sige Thank you"

As I went into his room. His room was very manly at the same time napakabango at napakalinis ng lugar. Dark blue and white ang halos makikita mo. I quickly took a shower and changed into new pair of clothes, nakasuot ako ng malaking polo shirt at boxer shorts na pahiram sa akin ni Quintin. Somehow, komportable ako sa suot ko.

Tapos na din kaya si Quintin?

I decided to look around the room for a while.

I saw pictures on his table. In the first picture, there was a small boy, he was smiling. Siya ba ito? Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kirot sa aking dibdib. Makikita mo sa larawan na ito ang isang batang puno ng kaligayan malayong malayo sa Quintin na kilala ko ngayon. Tuwing nakikita ko ang mata ni Quintin, they hold sadness and hatred.

What happened to you Quintin?

The next picture was a picture of a handsome man and a beautiful lady, there were smiling. These must be his parents.

But what caught my eyes was the next picture, It was a picture of a small boy holding the hands of a small girl. Medyo blurry ang picture kaya hindi ko makita ng maayos ang mga mukha nila, baka si Quintin yung batang lalaki?

Oh well, Inayos ko ang pagkakalagay ng mga pictures nang may mapansin ako sa pinakalikod, natatakpan ito ng isang lumang laruan. An old picture of two families.

Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang larawan.

Nasa litrato ay larawan ng dalawang masayang pamilya. Isang batang lalaki, hindi ito si Quintin at sapalagay ko ay mga magulang ng batang lalaki. That man and woman, sila yung nakita ko dun sa isa pang litrato. Kapatid at mga magulang ba ni Quintin ito?Bakit wala si Quintin dito?

Pero ang isa pang pamilya, hindi ako maaring magkamali dahil ang batang lalaki ay si kuya Henry at ang mga magulang namin. Bakit wala ako dito?

What is the meaning of this? Naguguluhan ako.

Magkakakilala sila noon pa?

Nalilitong ibinalik ko ang litrato sa dating puwesto nito.

Pagkalabas ko ng kuwarto napansin ko si Quintin na may inaasikaso ito sa kusina. Napansin ko rin na nakapagpalit na ito at bagong ligo na din ito. He looked good, nagdadalawang isip ako kung tatanungin ko ito sa nakita kong mga pictures but it wasn't the right time.

"Eto oh" inabot nito sa akin ang isang mug ng hot chocolate. I inhaled the sweet aroma that came from the cup.

"Salamat" I told him gratefully.

Tumango lang ito bilang sagot.

"Quintin?"

Tinignan ako nito, hinihintay ang sasabihin ko.

"Ah wala, Salamat pala sa pagpapahiram mo sa akin ng damit at pagpapatuloy mo sa akin dito sa apartment mo"

"Hindi naman din kita puwedeng pauwiin na parang basing sisiw, magkakasakit ka at magagalit sa akin ang Kuya Henry mo"

I wasn't able to answer, I was hoping na ginawa niya ang mga bagay na ito dahil concerned siya sa akin but It was disappointing to know na ginagawa niya ito para kay Kuya Henry.

Smile For MeWhere stories live. Discover now