Hindi pa rin ako makapaniwala ngayon. Nakasakay ako sa Philippine Airlines on the way to United Kingdom. I mean, bibihira lang ang mga katulad kong matataba ang nakakapag-trabaho bilang performer abroad. Pagkatapos kong kumanta ay mabilis pa sa alas-syeteng pinauwi ni Ms. Shamcey ang ibang mga nag-audition na hindi hamak na mas magaganda at sexy sa akin.
Brinief nya ako tungkol sa papasukin kong trabaho sa London. Sa una syempre, pa extra-extra lang muna ako sa pag-kanta sa "Frontier Restaurant and Events Center" or better known as Frever. Mamamasukan muna ako bilang part-time waitress habang nasa probation period ako for one week, then after that isasalang na ako slowly sa stage.
Sabi pa ni Ms. Shamcey, kailangan ko daw mag-ipon ng pang tag-lamig na damit dahil malapit na mag winter.
Nasa economic class ako ng eroplano at nakaupo sa tabi ng bintana. Gaya ng sinasakyan ko, parang nasa langit din ang isip ko. Para lang kasing panaginip ang lahat. Heto ako, naghahanap ng trabaho, naanod ng baha, tapos performer sa United Kingdom?
"Kinakabahan ka din?"
Napalingon ako sa magandang dalaga na halos kasing tanda ko na nakangiti sa akin. Nahalata ata na kanina pa ako nakatitig sa labas ng bintana at malalim ang iniisip. Katabi ko lang siya.
Napangiti naman ako at tumango, "Oo. Hindi ko pa rin kasi akalain na makakapag-trabaho sa ibang bansa."
"Ako rin. Akala ko talaga hindi na ako makaka-alis pero heto, gaya mo, magta-trabaho na sa U.K." masayang sagot nito sa akin.
"Ano naman ang work mo pag-dating mo dun?" curious na tanong ko sa kanya. Mukha kasi itong kasing tanda ko lang at may kagandahan din. Siguro model.
Ngumiti ito sa akin bago sumagot ng "Nurse sa isang hospital. Akala ko pagka-pasa ko sa board exam hindi na ako makakakuha ng trabaho sa dami namin."
"Wow! Buti ka pa, magagamit mo yung pinag-aralan mo sa trabaho mo! Yung sa akin ang layo. Sobra" malungkot kong sabi sa katabi ko.
Napakunot naman ang noo nito "Hah? Ano ba natapos mo?"
"B.S Psychology."
"At ang trabaho mo ay?" kasunod agad nitong tanong.
Napangiwi ako. Hindi ko alam kung maniniwala ito o matatawa sa sagot ko, "Ah... eh... singer sa isang restaurant."
Hindi ito tumawa as I expected. Sa halip ay nanlaki ang mata nito at mukhang napahanga sa sinabi ko, "Talaga?! Ang galing mo sigurong kumanta!"
"Naku, hindi naman magaling. May boses lang" sabi ko sa kanya. "Ano nga pala name mo?"
Ngumiti ito at inabot sa akin ang kanan nitong kamay, "Mimi. Mimi Deduyo. Ikaw?"
"Rynelette de Toryago. Nice to meet you Mimi" sagot ko dito sabay kuha sa kamay nito at nag-handshake kami.
Masaya kaming nag-kwentuhan habang nasa byahe. Newly grad din pala ito at nineteen years old din gaya ko. May kapatid itong first year college na kailangan nyang suportahan kaya sya nag-pilit mag trabaho sa abroad. Mabait ito at masayahin kaso medyo mahiyain at ilag sa mga lalaki.
Hindi namin namalayan na naka-landing na pala yung eroplano sa airport. Nang oras na para mag-hiwalay na kami ay nag-palitan kami ng number at address kung saan kami magta-trabaho.
BINABASA MO ANG
The Next Big Thing (TAPOS NA)
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay Rated SPG. Maaring maglaman ng masasarap na pagkain, katabaan, mantika at over confidence na hindi naaangkop sa mga seksi at feeling seksi! Striktong gabay ng mga Chefs at Dietitian ang kailangan! Subo Pa Gaga! P.S: Ma...