Chapter 2

4K 102 8
                                    


"Buti na lang hindi ko pinagta-tapon yung mga plastic bags na naipon ko sa probinsya at dinala ko pa dito!" masaya kong sabi kay Mila na hindi magkanda-ugaga kaka-empake habang sobrang lakas ng ulan.

Samantalang ako ay pa easy-easy lang. Lahat ng mga mababasang gamit ko ay tatlong beses kong binalot sa plastic bag sabay shoot sa maleta ko. Wala naman kasi akong masyadong gamit na dala kundi mga necessities lang talaga gaya ng wallet, ilang pares ng pambahay, corporate attire, kaunting panlabas na damit, tigi-iisang pares ng black shoes, rubber shoes at pambahay na sapatos, cell phone at credentials ko. Isa pa, maliit lang ang maleta ko at magaan kumpara sa size ko at weight.

Haggard na humarap sa akin si Mila at nameywang sabay tinuro ang hagdan, "Hoy babae! Hindi mo ba nakikitang ilang oras na lang at matatagpuan na tayong patay sa pampang ng Pasig?! Bakit relax na relaxed ka pa dyan?!" demand nitong tanong.

Napahikab ako sabay ngiti, "Sa tingin mo ba titigil ang baha pag nag-panic at nagpaka-pagod ako dito? Hindi diba? Kaya sa halip na mag-aksaya ka ng energy sa page-empake ng mga non-essential na gamit ay konti na lang ang dalhin mo at i-save mo ang lakas mo sa pag-akyat natin sa bubong" mahinahon kong paliwanag dito.

Mukha namang natauhan ang aking roommate at hindi na inimpake ang ilang pares ng high heels, isang malaking make-up kit at ilang mga bag.

"Oh diba Mila? Ang dali huh? Oh sya tara na at" naramdaman ko ang malamig na tubig baha na pinasok na ang kwarto namin, "Nandyan na ang tubig Mila... Don't panic!" saway ko kay Mila na biglang yumapos sa akin at nanginginig na sa takot.

Magka-akay kaming lumabas ng terrace at pinauna ko na syang umakyat ng hagdan paakyat ng bubong ng apartment namin. Lumingon lingon ako at nakita kong sobrang taas na pala ng baha. Lubog na ang mga katabi naming mga bahay at buildings sa paligid namin.

Ng makaakyat na rin ako sa bubong ay nag-tabi kami ni Mila sa ilalim ng malaki kong payong at tahimik naming pinapanood ang iba naming kapitbahay na nagsisi-akyatan na din sa kani-kanilang mga rooftop at bubungan.

"Ryn, bat hindi ka man lang natatakot o kinakabahan?" mangiyak-ngiyak nitong tanong sa akin.

Tiningnan ko ang aking katabi at hindi ko mapigilang mapa-awa. Ang pinaka-maganda at confident na Flight Stewardess na kilala ko maliban kay Maya ay ngayon ay takot na takot habang tinitingnan ang pataas na ng pataas na tubig.

"Look Mila, diba lagi ko sinasabi sa iyo tuwing paalis ka pag may flight ka na hangang hanga ako sa iyo dahil hindi ka natatakot lumipad? Think of it this way, pag nag-crash ang eroplano mo I'm sure more or less wala ka ng pag-asang mabuhay. Pero sa baha na 'to ang laki ng chance mo!" encouraging kong sabi dito sabay tapik sa payat nitong likod.

Kumunot naman ang noo nito, "Huh? Paano naman lalaki yun?!"

"Kahit kailan hindi ka lulutang sa hangin, pero sa training mo, everytime kang lulutang sa tubig!"

Nagliwanag ang mukha ng roommate ko. Hindi ko mapigilang mapangiti sa mukha nitong pagka-ganda-ganda, mala Shamcey Supsup ang tangkad at Venus Raj ang mukha kaya bentang bentang "Yaya sa Hangin" ika nga nya.

Simula ng tumira ako sa apartment na ito ay nandun na si Mila. Biba ito, saksakan ng ganda at bait pero madaling mag-panic at stressed lagi, mga negative qualities para sa isang Flight Stewardess pero siguro natatakluban na ng physical assets nya ang emotional deficiencies nya.

Maya-maya pa ay may nakita akong papalapit na lifeboat sa aming bubong. Niyakap agad ako ni Mila at nagsimula itong magtatalon at kumaway sa mga rescuers.

The Next Big Thing (TAPOS NA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon