Ch. One
Yuri's POV
"Sige inom pa tayo! Wohoooo! Let's party guys!" Nagpaparty kami ngayon ng SNSD sa bahay ko. Oo, bahay ko. May sarili akong bahay simula nung 18 palang ako. Mayaman pa ang company namin nun pero ngayong 21 na ako biglang nalugi ang company namin kaya kailangan ni appa ng ka-share sa company. At eto pa ang nakakabwisit, kailangan daw ipakasal sakin yung anak ng ka-share ni appa.. Tssk!
Wala naman akong magawa kasi ayoko din na mamulubi kami. Ayokong mawalan ng bahay. Itong bahay ko na nga lang ang tanging kaligayahan ko tapos mawawala pa?
Anyways, nandito ngayon ang SNSD sa bahay ko. Mga kabarkada ko sila since high school. Masasayang kasama 'tong mga 'to. May mga boyfriend na din yung iba sakanila. Ewan ko nga ba kung bakit di pa ako nagkaka-boyfriend pero may i-aarranged marriage naman sakin. Pfft, kainis talaga!
Nagpaparty kami ngayon dito sa bahay ko. Bukas na daw kasi ipapakilala sakin yung i-aarranged marriage sakin e. Kaya magpapakalasing ako ngayong gabi. Wahahahahaha! Para ma-late ako dun sa venue na sinabi ni appa na pupuntahan namin. Hahahaha! Ang saya di ba?
"Yul okay ka lang ba dyan? Lasing ka na ata oh. Tara na sa kwarto mo hatid na kita?" Grabe naman 'tong si Taeyeon di pa ako nakakarami ng drinks tapos gusto na kagad akong patulugin? Psh.
"Okay lang ako Taey. Let's party. Wohooooo!"
"Yul, uwi na ko ha. Sinusundo na kasi ako ni Lulu e. Sige ha, si Seohyun na ang bahala sa'yo. Annyeong!" Then kiniss niya ako sa cheeks. Kakatampo naman si Taey, inuna pa niya talaga yung mukang girl na si Luhan. Boyfriend na kasi niya yun. Siguro 10months na din sila, matagal-tagal na din. Buti pa siya kilala na niya talaga si Luhan.
E, ako? Di ko pa nga nakikita yung lalaking ipapakasal sakin e. Siguro mukang unggoy yun kaya ayaw magpakita. HAHAHAHAHA!
---------------
"Uhhh, sakit ng ulo ko. Nasan ba ako?"
"Oh gising ka na pala Yul, nandito ka sa kwarto mo. Galing din dito appa mo. May dinner daw kayo mamayang 7pm sa ****** restaurant. Wag ka daw male-late kundi isasanla na daw ng appa mo 'tong bahay mo sa bangko. Sige Yul, una na din ako ha. Hinahanap na din kasi ako sa bahay. Good luck nalang sa'yo mamaya. Annyeong!" Umalis na silang lahat. Iniwan na ako. Tsk. Pero salamat na din kay Seohyun kasi hindi niya ako iniwan kahit manlang sa pagtulog ko. Bait talaga nun. >:)
Sakit pa talaga ng ulo ko. Bakit ba naman kasi ako nagpakalasing kagabi? Kainis talaga. Tss. Bwiset!
Pumunta na ako sa kitchen para kumain. Kumakalam na din kasi sikmura ko e. Tinawag ko na din si yaya para maghanda ng mainit na sabaw para mawala 'tong hangover ko.
7pm. Mamayang 7pm ko na makikita yung taong papakasalan ko. Haaaay, parang ayoko na tuloy pumunta. Malay ko ba kung anong itsura nun di ba? Baka naman mukang halimaw, daga o unggoy yung taong yun? Uhhhhhh! Kainis si appa. Si umma naman hindi namamakelam, kung ano nalang daw ang makakabuti para sa lahat.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage?! (Slow Update)
FanfictionAyoko talagang ipakasal sa lalaking kakakilala ko palang. Nakakainis! Pano nalang kung manyakis pala siya? Tapos hindi ko gusto ang ugali? Bwiset naman oh! Sinabi ko na kina umma at appa na ayokong magpakasal sa lalaking hindi ko naman gusto pero si...