*kring kring... one message received
"Hello Pogi! Hindi ako makakapasok ngayon, may bibilhin kasi kami ng tropa ko e. Ge ingat ka na lang huh?" message from Benpogi.
Hay. Yaan mona! Makapasok na nga..
Awtsuuu, dalawang magkasunod na subject walang prof. Hayahay!
Makakain nga muna kanina pa ko gutom e.
At canteen...
Hala! May mga paepal na umupo sa tabi ko. -___- As usual, sila Gerald. Kabadtreeep eeeeeeeee...
Paepal talaga tong mga to. Lumalapit lang pag wala si Ben. Alam ko kasing sobra takot sila dun dati kasi nilang boss yung sa frat XD
Hahahahaha, nakakatawa lang talagang isipin.
Kumakain na lang ako ng burger kaya, hindi ko na lang sila pinansin nang...
"Himala bakit hindi mo kasama superhero mo?"
"E ano naman sayo?!"
Tatayo na sana ako nang kinapitan ni Gerald nang mahigpit ang kamay ko.
"Aray! Ano ba! Nasasaktan ako!"
Nagtry akong pumiglas at nakapiglas naman ako. Tumakbo ako palayo ng canteen, pero nahabol pa rin nila ako.
Hay! Medyo kinakabahan na ako huh?
Tapos pinalibutan nila akong apat. Diyos ko po rudy! Paano na itu?
Nakakaiyak yung mga sunod nilang ginawa. Sinunog nila yung bag ko sa harapan ko. Wala naman akong magawa e. Kahit malakas ako hindi ko sila kaya :'((((((((((((
Tapos tinali nila yung kamay ko pati na paa ko, tinakpan yung mga mata pati na bibig :'(
"Rendel! Lagay mo na yan sa parking lot sa gitna huh? Siguraduhin mong wala masyadong makakakita sayo."
At ayun ginawa naman ni Rendel na yun. Hindi na naawa XC
"Behave Saf ahh? Bye! Whahaha!" sabi ni Rendel at iniwan na akong magisa. :'((((
Naririnig ko yung mga kotse. Feeling ko masasagasaan ako sa kinalalagyan ko anytime. :'(((((
LORD TULUNGAN MO PO AKO! NATATAKOT PO AKO! :'(
Gumapang gapang ako. Nang may bumuhat sakin!
HUH? MAY BUMUHAT SA AKIN SINO TO??????????
Tapos sinakay ako sa kotse niya. At tinanggal lahat ng nakakasagabal sa paa, kamay, mata at bibig.
Takot pa din ako hanggang ngayon!
Niyakap ko siya at pinasalamatan :')
And guess who? Si Ben :))))))))
"Who made it to you? Sila Gerald ba?" tumango ako yumuko.
Umiiyak pa din ako dahil sa sobrang takot. :'(
"Ako nang bahala sa mga gagong yun! Wag ka nang umiyak, hindi na kita hahayaang mag-isa" sabi niya habang nakayakap sakin.
Pumunta kami ng school, malapit lang naman e. Tapos iniwan niya ko sa kotse may pupuntahan lang daw siya.
Ryan Benedict Santos P.O.V
Walang hiya talaga yung mga bullsh*t na yun!!! Pag nakita ko sila patay talaga sakin yung mga yun. Bakit nila sinaktan si Saf!!! Hindi ba nila alam kung gaano kaimportante sakin si Saf!
Pinuntahan ko yung lugar kung saan sila madalas tumambay. At hindi nga ako nagkamali andito sila!!!!!
Sa sobrang galit ko, pinagsusuntok ko silang apat! Alam ko namang hindi sila papalag sa akin e. Kaya pinagsusuntok ko sila hangga't kaya ko.
"Master! Tama na!"
"Sorry na po Boss!"
"Titigilan na po namin si Safia, Pangako!'
"Wag kayong magsorry sa akin, sumama kayo!"
Pumunta kami sa kotse. At andoon si Saf tulala. Natrauma ata siguro dahil sa ginawa ng mga lokong to!
Pinalabas ko si Saf at paglabas niya pinagsasampal niya yung apat. Hindi ko na din siya pinigilan. Tama lang sa kanila yun!
"Magsorry na kayo!"
"Safia, sorry sa lahat lahat ng gimawa namin sayo. Sana mapatawad mo kami! Promise hindi na namin uuliting saktan ka!"
Pinaalis ko na din yung apat baka lalo pang maginit ulo ko.
"Saf, hatid na kita sa bahay niyo. Gusto ko safe ka! Ayoko nang maulit pa yung nangyari sayo ngayon!"
Hinatid ko na din siya sa bahay nila.
Pinakain ko na din tapos pinatulog na din! Hahaha, feeling ko talaga may baby na ako. XD
Habang natutulog si Saf. Tinititigan ko lang siya. And I realized something. Ang ganda pala niya! Ang ganda ng mukha niya, her nose and her lips :*
Hala! Why am I feeling like this? Saf? She's not my type. But why? I don't even know her that much but I feel something? Do I like her. She has been that important to me, I don' t know why? I don't know how? I don't know when?
I REALLY DON'T KNOW! I JUST LOVE HER! PERIOD! ♥♥♥
And suddenly nagising siya. E nakatitig nga ako sa kanya! Edi ang awkward XD Mga 1cm na lang layo ng mukha namin sa isat isa. Muntik na kaming magkiss e. Sayang! Pero ayokong magtake advantage. Kaya nilayo ko yung mukha ko at nagpalusot...
"Ano Saf! Okay ka na ba? May masakit pa sayo?"
Okay nakalusot ako XD Hahahaha!
"Ahhh oo maraming salamat sa lahat ng ginawa mo huh? Siguro kung wala ka dun kanina. Deds na ko. Salamat talaga!" sabay yakap sakin. Ayiiiiiieeee, kinikilig na ako.
Hay Ben! Ang pogi mo! Shit! Kaso isat kalahating duwag ka e XD You cant even say that you love her. If you really love her, sabihin mo yung true feelings mo para sa kanya. Dont wait until its too late. Ikaw din, baka magsisi ka!
_________________________________
(A/N): I hope you guys love reading my work. :))