FalconPagkalabas niya ay nilibot ko ang paningin ko sa opisina ko at dumako ito sa cheque'ng nasa lapag lang.
"Iniwan?" Takang tanong ko at kinuha ang cheque at nagkibit balikat. First time.
"ANG gago mo man! Mamaya ma-stress yun tapos malaglag yung bata diba!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses ni Anthony. Kinwento ko dito ang nangyari kanina. Tinignan ko ito ng tahimik at tinaasan ng kilay.
"Shut up."
"Shup up mo to! Ano bang pangalan nung babae?" Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Anong plano niya?
"Patrice Montevalde." Pagkasabi ko ay nilabas niya ang telepono niya ay may ilang pinindot sa cellphone niya at may ipinakita saakin.
"Eto ba yun, pre?" Pakita niya saakin ng larawan ng isang babae. Naka talikod ito sa camera ngunit nakalingon ito sa camera habang hawak ang kamay ng kumuha ng litrato sakanya.
"I just got a boner." Gagong sabi ni Anthony at titig pa sa cellphone niya.
Naka pulang T-back ang babae at pulang pang itaas din. Sa hindi malamang dahilan napaigting ang panga ko at hinablot sakanya ang cellphone niya at hinagis ito kung saan.
"Alis na ako." Sabi ko kay Anthony na ngayon ay naka-nga nga pa rin dahil sa gulat.
•••
Katulad ng ginawa kanina ni Anthony ay ini-stalk ko din ang babae sa kanyang 'FB' at isa isang binasa ang mga comment doon.
Enij Zerep
Wotwoow! Classmeyt ko 2 dati eh.Chris Tian
Hi miss...Seven Tagle
Mine. Love you.Ilan sa mga nabasa kong comments. Pero ang huling comment ang nakakuha saakin ng sobra.
Kinlick ko rin iyong Seven Tagle at lumabas ang 'profile' nito.
Ang profile picture niya ay ganoon din. Nakatalikod sa camera ngunit nakalingon habang hawak din ang kamay ng kumuha ng litrato.
Pinindot ko ito at nilagyan ng 'angry reaction'
Nagscroll ako kaunti at nakita kong shinare nito ang profile ni Patrice at kinaption na.
'Seven Tagle's'
Parang bakla ang puta. Bago ko ibalik sa timeline ni Patrice ay inangry-han reaction ko ulit at binack sa timeline ni Patrice at kinlick ang 'Add Friend'••••
Isang linggo na ang nakaka-lipas pero bawat stalk ko sa timeline ni Patrice ay nakita kong hindi niya pa rin inaaccept yun kahit nakapalit na siya ng profile picture niya kanina lang.
Ngayon naman ay may pumipisil naman ng kanyang mga pisngi at alam kong hindi niya kamay iyon. Masyadong malaki para sa maliit na babae.
Inis kong tinawagan ang secretary ko at gigil na niloud speaker ito.
"Ibigay mo saakin number ni Patrice Montevalde! Hanapin mo! Kung hindi puntahan mo ng personal. Kapag hindi mo nabigay saakin ngayon. You're fired."
Ang ganda ng gabi. Full moon at mraming mga bituin. Pero nakaka-tangina ang araw ko.
Para akong siraulo na pinagtabuyan ang babaeng yun at ngayon ay pinapahanap ko ang number?
Napatawa ako. Ang gago gago ko.