Chapter 7

3.7K 111 19
                                    

Hindi na muli nagsalita si Falcon ngunit nanatili pa rin itong nakakatitig saakin.

"Matunaw ako ah." Inirapan ko ito at napa-galaw naman siya.

"A-ano." Utal niyang sabi. "A-ano bakit mo ginawa yun?"

"Boba. Syempre gusto kong maramdaman niyang ano mo sa ano ko." Nginisian ko ito. Para nanaman itong batang inosente na nakatitig saakin.

"Putangina, wag ka nga tumingin nakakagigil mukha mo e!" Hinagis ko ang unan na nasa kandungan ko at tumayo na. Habang pabalik sa kwarto ko ay nakasalubong ko si Alejaga na papunta sa sala. Tinignan lang ako nito ng mabilis pero patuloy pa din ang lakad.

•••••••

Falcon

"Bat ka tulala?" Tanong ni Alejaga na kakarating lang.

"Ang libog ng kapatid mo, brad." Umupo ito sa pang isahan na tao na sofa nila sabay iling.

"Hindi tayo close kaya wag mo akong ma-brad brad."

Nilingon ko ang bintana nila. Kita kong malakas pa rin ang ulan doon.

Pagkatingin ko kay Alejaga ay nakatingin din ito sa bintana nila na para bang sinundan kung saan ako nakatingin.

"Malakas ang ulan, dito kana magpalipas ng gabi. Sa kwarto ka ni Pat matutulog. Ayusin mo ha! Kausapin mo dapat bukas maayos na pakikitungo sayo nun. Walang ibang mangyayari, wala dapat akong ungol na maririnig ha!" Sabi nito sabay hawak saakin ngcan beer na hindi ko alam kung saan niya itinago.

"Wag mong sasabihin saakin bukas na naipasok mo nanaman yang botete mo dahil lasing ka! Isang lata lang yun hayop ka imposibleng malasing ka." Sabi nito at itinuro saakin ang kwarto ni Patrice at sabay na din kaming tumungo doon.

••••

"Dito muna ako hanggang wala pa akong raket." Sabi ko sakanya habang tinabihan ito sa kama niya. Tinanguan ang ako nito sabay abot saakin ng unan ng maayos.

Kanina ay mainit ang ulo neto saakin pero ngayon ang bait-bait. Ako ata ang pinaglilihan nito.

"Ano ba mga raket mo?"

"Waiter sa mga malalakig event." Tumawa ako bago magpatuloy. "Malaki kasi ang sahod basta maayos ang trabaho mo. Alam mo na mayaman, wala na ata sila mapaglagyan ng pera." Inayos ko ang kumot niya at humiga na rin sa tabi neto. Hanggang ngayon ay sobrang lakas pa rin ng ulan dahil kahit may kisame itong buong bahay nila ay rinig na rinig pa rin ang bagsak ng ulan sa bubong nila.

"Pananagutan mo na ba ako?" Napalingon ako kay Patrice na biglang nagtanong. Nagkibit balikat lang ito sabay tumalikod ng pagkakahiga saakin.

"Joke lang." Hinawakan ko ang magkabila niyang braso at dahan dahan siyang hinarap muli saakin.

"Oo, papanagutan na kita kahit ikaw naman talaga itong may kakagawan." Nginitian ako nito sabay pumikit na.

"Hoy hindi pa tayo tapos magusap." Kinalabit ko ang ilong nito inis naman niyang pinalo ang kamay ko.

"Inaantok na si Baby, goodnight na daw, Daddy." Tuluyan na siyang pumikit at ilang sandali ay humilik na.

Baby, daddy. Napangiti ako at napatingin sa kawalan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Carrying Falcon's BabiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon