Falcon
Sa ilang beses na nagtanong ako ay sa wakas nakarating na rin ako.
Gabi na ngayon at umuulan, natagalan ako dahil pagka-alis na pagka-alis ko pa lang sa apartment ko ay umulan na ng malakas.
Tinignan ko ang address. Ito na yun.
Hindi naka-sara ang pinto kaya walang hiya na dumiretso ako.
"Gusto ko ng kamyas."
"Ayaw ko nga."
Rinig kong usap ng dalawang tao. Nakilala ko ang isa boses niya iyon.
"Ako nalang kukuha. Saan ba?" Sabat ko. Lumapit saakin ang lalaki at sinapak ako. Sino ito?•••••
"Oh! Gago ka, ikaw na mag-gamot ng sarili. Ano ako pa gagamot sayo? Eww!" Kanina pa itong lalaki na ito. Ito ang naiwan na kasama ko sa sala ngayon habang si Patrice ay nasa kwarto, ayaw daw akong makausap.
"Pare." Tinitigan ko ito, tinaasan niya ako ng kilay at dumistansya saakin ng kaunti.
"Tangina, hindi tayo talo ha!" Iniwan ako nito saglit at pagkabalik niya ay may dala na itong tubig. Lumapit siya saakin at binigay.
"Usapang matino. Letche ka. Pinasok-pasok mo yang botete mo sa kapatid ko tapos hindi mo pananagutan?" Malalim ang tingin nito saakin. Kinikilatis ako.
"Hindi naman ako nagpasok ng botete ko sakanya e." Kumunotnang noo nito at umayos ng upo.
"So? Sinasabi mong ang kapatid ko ang nagpasok niyang botete mo sakanya?" Tanong nito tumango ako.
••••••
Nagising na ako't nakita kong wala nanaman ako mga saplot, gaya ng dati naka-kalat ang mga damit ko sa lapag.
Siya nga ba gumagawa nito?
Lumabas ako ng apartment para bumili ng isang tag-piso ng chichirya. Para lang maitawid ang 'breakfast'
Naglalakad na ako pabalik, ngunit hinarang ako ni Arnold na batang kapit-bahay ko at may sinabi saakin.
"Kuya! Kanina bago ako pumasok nakita kong may lumabas na babae sa apartment mo, kuya ang ganda! Liligawan ko yun pag laki ko huh." Tumawa ito at lumabas ang bunging ngipin. Ginulo ko ang buhok nito at iniwan na siyan
Umupo ako sa sulok at napa-isip. Maganda? Maganda si Patrice, pero siya ba talaga ang gumagawa saakin nuon?
Tangina. Mababaliw na ako.
"Punyeta ka. Lakas na loob na. Sigurado ka bang kapatid ko yun? Baka naman kapit-bahay mo iyon?"
Nilabas ko ang anklet at bracelet sa bulsa ko at pinakita sa lalaki. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan nito.
"Kay Patrice to ah?" Kunot noong sabi nito at tinawag si Patrice.
"Patrice!!"
•••••••
Patrice
"Ano to?" Itinapat sa harap ko ni Kuya ang anklet at bracelet ko.
"Bracelet, anklet." Pilosopo ko, hinawakan ni Kuya ang kamay ko at matalim na tinignan.
"Wag mo akong pinopolosopo." Napalipat ang tingin ni Falcon saaming dalawa. Mukhang papatay si Kuya dahil sa mga tingin niya.
"Aamin na ako." Sambit ko at binitawan ni Kuya ang kamay ko at biglang nagbago ang paligid. Naging interesado ang dalawa. Umamin ka na, Patrice.