Lumalaban Parin Ang Karakter Ko

67 1 0
                                    

Ang panagarap ng karamihan sa atin ay makasal sa taong mahal
Dahil sa seremonyang iyan nagsusumpaan ang dalawang taong nagiibigan.
Si babae, tinatanggap si lalaki, si lalaki, tinatanggap si babae.
Si ikaw at ako ay nagiging TAYO.
Yung kahapon, pinapalitan ng ngayon.
Yung bukas, pupunuiin ng pagibig na wagas
At ang habambuhay ay walang magiging kapantay.

Kaya nung naging tayo, bumuo tayo ng kwento.
Dalawa ang karakter at bida nito.
Mula umpisa hanggang dulo, nanduon si ikaw at ako.
Sabi natin, pamilya'y bubuuin, mga suliranin ay magkasamang haharapin.
Walang iwanan kahit ano man ang maging kahitnan ng laban.
Hindi man perpekto ang maging wakas nito, basta't ikaw at ako sa dulo
Dahil dalawa tayo sa isinulat nating kwento.

Naaalala ko pa nung nagtakda tayo ng petsa.
Isinalarawan mo kung ano ang magiging seremonya.
Suot mo ang napakagandang damit habang ikaw ay papalapit.
Sa bawat hakbang mo paharap, mga mata ko'y di kumukurap.
Himig ng paborito nating kanta, pinapatugtog ng inimbitahang banda.
Marami tayong bisita, mga kaibigan at kapamilya.
Natapos ang pagsasalarawan mo sa pagsabi mo ng, "I do. "

Kagaya ng mga kuwento sa dula, pelikula, at nobela
Hindi lahat ng katapusan ay masaya.
Sa kanya-kanyang kuwento natin ay may mga sumuko na, mayroon ding lumalaban pa.
Wala na ang karakter mo sa kuwento pero nandito parin ako.
Hindi ko pa tinutuldukan dahil patuloy parin akong lumalaban.
Hindi ko alam kung hanggang saan dahil araw-araw akong lumuluha't nasasaktan.
Ayaw mo na pero gusto ko pa, kahit malabo na, aasa parin ako na babalik ka.

Mga Bulong sa HanginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon