Kwento ni "Ikaw" at "Ako"
Araw-araw, humihiling ako
Umaasa, at hinihiling ko
Sana'y magkakabalikan pa tayo
At muli ay, may "Ikaw" at "Ako"Dumadalangin bawat pagbangon
Dasal ay dumating ang panahon
Katulad ng simula ng kwento
"Ikaw" at "Ako", masaya tayoNalulungkot at naghihinagpis
Nawalang bigla ang dating tamis
Saan na nga ba tayo sa kwento?
Wakas na ba ng "Ikaw at "Ako"?Masakit kung hanggang dito nalang
Sa haba't daming naumpisahan
Hindi kakayaning matuldukan
Dahil akala ko'y walang hangganMundo ko'y bumagsak at gumuho
Sayo ngayon ay nagsusumamo
Durog na puso'y buuing muli
Upang itong hapdi ay mapawiNasanay na laging nariyan ka
Kapag nawalay, agad hanap ka
Nanabik lagi sayong ngiti
Ngayong iniwa'y, labis ang hapdiNagsusumamo sa karakter mo
Na sana'y manatili sa kwento
Dahil ang bida'y "Ikaw" at "Ako"
Dito sa inumpisahang kwentoAng "Ako" ay lumalaban parin
Sapagkat Ito ay kwento natin
Sana ang "Ikaw" ay lumaban rin
At ang kwento'y itutuloy natinMga pangarap ay aabutin
Mga pangako ay tutuparin
At doon magtatapos ang kwento
Ng masayang si "Ikaw" at Ako"
BINABASA MO ANG
Mga Bulong sa Hangin
PoëziePart 1: Kwento ni "Ikaw" at "Ako" Part 2: Lumalaban Pa Ang Karakter Ko Part 3: Unang Araw Part 4: Ituloy Natin ang Kwento