Sa dalampasiga'y napaupo ako
Walang ibang tao, mag-isa lang ako
Tanaw ang dagat hanggang sa dulo nito
Masid mga along paruo't parito
Puting buhangin ay yakap ang paa ko
Malamig na hangi'y binabalot ako
Palubog na araw ay tanaw sa duloLaging inaabangan ang takipsilim
Damdamin ay dinadamayan ng dilim
May kakaiba sa mga oras na'to
Hindi matangi ang nararamdaman ko
Walang hapdi at kirot sa aking puso
Hindi ko rin dama ang tuwa at saya
Pero kuntento sa gan'tong nadaramaNanaig ng tuluyan ang kadiliman
Hindi na makita ang dalampasigan
Itinuon ang mata sa kalangitan
May mga bituin pero walang buwan
Katulad ng manhid na nararamdaman
Mga mata ko ay pilit hinahanap
Bituing natabunan ng mga ulapLumantad paglipas ng ilang minuto
Nangingibabaw ang mga kislap nito
Habang nakatitig ay napagtanto ko
Pinanggalingan 'to ng nadarama ko
Makislap pero parang wala ng buhay
Maningning pero di gaanong makulay
Parang puso kong sa sakit ay nasanayGabi-gabing tinititigan ang bituin
Kislap pala'y hindi na para sa akin
Sa mga napagtanto'y nalungkot ako
Wakas ay di akalaing maging gan'toIn progress. . .
BINABASA MO ANG
Mga Bulong sa Hangin
PoesíaPart 1: Kwento ni "Ikaw" at "Ako" Part 2: Lumalaban Pa Ang Karakter Ko Part 3: Unang Araw Part 4: Ituloy Natin ang Kwento