Jan.27'18: Ano na?

6 2 0
                                    

Pinadalhan kita mensahe noong bagong taon, wishing you a happy new year. ..

And even messaged you the following days, told you how I couldn't sleep again, told you that I'll be marrying in July and told you how much I missed you..

Oo, pinigilan kong i-chat ka after our last conversation noong october last year. Yes, I am thankful na naging sincere ka, pero masakit din na yong pagkakaibigan nating matagal kong inalagaan ay para sayo'y wala nang kasiguradohan...

I know, I know...people change. Situation change. ..

Ang pagmamahal ko nalang ata sa'yo bilang kaibigan ko ang hindi nagbago though you changed... Siguro nga, sa ngayon aasa nalang ako sa pagkakibigang ako nalang ang may alam..

Masakit when you deactivated sa facebook kasi hindi na kita ma-chat sa messenger. Pero inisip ko nalang na maybe you have a good reason. Siguro you want to focus sa studies mo lalo na at nasa university ka na. Or maybe wala ka na ring ka-amor-amor na talaga sa social medias.. Kasi yong kilala kong taga diyan, ganoon din. Siguro nahawa ka na sa culture nila diyan.. Hindi iyon problema kasi naiintindihan ko naman.

Kanina, plinano ko lang i-scan saglit yong IG, and looked what I found ...under your user name said 'active today'. Nahugot pa yong hininga ko. Dali kong binuksan yong convo natin. Masaya ako na finally active ka na ulit. I can get in touch with you again.

Pero mas masakit pala na wala man lang seen yong chat ko sayo. ..masakit na ma-seen, pero mas masakit palang hindi pansinin yong chat ko sayo.

Are you that busy? Siguro...I hope..

(Sana dahil mahina lang yong connection ko....)

Unbreakable Bond (Until it ends)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon