Chapter 2
We are now on the way sa Sta. Maria della Strada Parish Church. We usually attend masses every morning kasi first, gusto ni Daddy na ang first activity namin every Sunday ay magsimba. Second, wala pa masyadong tao. Ayaw kasi ni Mommy na pumunta kami dito para magsimba tapos nagmumukhang meet and greet namin ni Kuya.
Van ang dala naming sasakyan kasi tuwing magsisimba kami ay laging kasama sila Yaya, Ate Myra, Ate Liezelle, and Manong Ruben. Sabi kasi nila before, madalang daw silang makasimba. So, Daddy told them na sumabay na lang sila sa'min palagi instead na sa bahay lang sila and maghintay sa'min.
The ride was not that long kasi hindi naman ganoon kalayo ang simbahan mula sa village namin, wala ring traffic kasi maaga pa.
"We're here," sabi ni Daddy at naunang lumabas. Pinagbuksan niya kami ng pinto at inalalayan kami nila Mommy pababa, pati sila Yaya.
"Thank you, Dad!" I said.
He smiled. "Always welcome, sweety," he replied.
Manong parked the car pa kaya nauna na kami. Hindi pa ganoon karami ang tao kasi medyo maaga pa, madalas ay nagdadatingan ang mga tao kapag last minute na, 'yung tipong pa-start na ang mass.
Papasok pa lang kami sa loob ng simbahan nang may tumawag sa'min ni Kuya. We both looked at our parents to ask for permission, lalo na kay Mommy. She looked inside the Church—checking if the mass is going to start and looked back again sa'min ni Kuya before she nodded nang makitang hindi pa.
We walked towards the girls at sabay kaming bumati sa kanila.
"Ate, pwede po papicture kami?"
I nodded while smiling. Inayos ko ang eye glasses na suot ko, then we had a quick picture taking atsaka kami nagpaalam sa kanila at nagpasalamat.
"Ate, thank you po! Hindi namin inexpect na makikita kayo rito!" sabi nung isa at hindi napigilang yumakap sa'kin. "Sorry," nahihiyang sabi niya nang kumalas.
I chuckled. "It's okay. Salamat din sa inyo."
Sa tatlong na taon kong paglalaro sa DLSU, sanay na sanay na ako sa mga ganitong scene. Kaya nga sobrang mamimiss ko talaga 'to kapag grumaduate na ako.
I'll be playing my last playing year.
That's the plan.
Kasi parang hindi ko pa yata kayang bitiwan ang UAAP after this season, I want the title to stay sa'min hanggang sa makagraduate ako. Kasi after that, I'll take the NMAT and as promised kila Mommy, I'll focus sa medschool.
"Ah, girls..." They all looked kay Kuya when he cleared his throat. "Baka mag-start na kasi 'yung mass anytime, so... we should get going," he said.
And just when we entered inside, katatapos lang magpray ng rosary. My brother kept bragging about his handsomeness daw while we're looking for a seat.
"Is that your Tita Dianna?" Mommy asked, pointing at the right side of the Church.
I looked where she's pointing at. Para akong aatakihin sa puso dahil sa gulat nang lumingon si Joaquin sa'kin at magtama ang mga mata namin. There's a judging look on his face, what the fuck? Baka akala niya I was checking on him.
Nakaka-irita talaga siya.
I felt my face contorted with disgust. I forced a smile kay Mom and nodded to confirm that it's Tita Dianna. Siyempre, sa ayaw ko man o sa gusto, Mommy approached her. Tuloy ay kasama namin sila sa upuan.
Dapat pala sinabi ko na lang na hindi si Tita Dianna 'yun!
The whole time na nagsesermon si Father ay siya ring pagdaldal ni Kuya sa tabi ko, ipinagyayabang niya ang mga nagpapa-picture sa'min. Kaya daw kami ina-approach is because of him. Eventhough I'm thinking the same thing sometimes, hindi pa rin ako nag-agree sa mga pinagsasabi niya.
BINABASA MO ANG
The Game of Fools
Teen FictionAnna Khaleesi V. Solano & Joaquin Lorenzo S. Ricafrente