Chapter 1
Ilang minuto na ang nakalilipas mula nang umalis ang mga kaibigan ko. Sinabihan pa ako ni Tangerine na ang nerd ko noong nagpaalam sila at naabutan niya akong nagbabasa ng libro. Well, I'm not. Siguro bookworm, yeah? But nerd? I don't lack social skills, gimik isn't just my thing. Kung ibang bonding, game naman ako!
As what I've planned, manonood lang ako ng movie buong gabi. Walang manggugulo sa'kin kasi ako lang naman ang tao dito sa unit at wala rin naman akong ine-expect na bisita.
I wore my cap at kinuha ang wallet at ang phone ko sa ibabaw ng kama. I decided to have dinner sa labas na lang since wala rin naman akong kasabay at wala na ring makakain sa kusina namin dahil hindi pa naman kami nakabibili ng grocery. Nawala kasi sa isip namin makapagbilin kay Ate Liezelle, helper namin dito sa condo. She's our maid sa bahay namin pero pinapapunta siya ni Mommy dito kapag 'di namin kinakaya ang mga gawain.
We're very busy kasi these past few weeks, UAAP season na kasi. Tapos hindi pa naa-adjust 'yung sched ng klase naming mga players, may iba kasing hindi talaga akma sa sched ng classes 'yung sa training, e.
"What to eat?" I asked myself while waiting for the elevator.
Actually, kanina pa talaga ako nagugutom. Tinatamad lang akong lumabas ng kwarto kasi nanonood ako sa laptop ng Stranger Things sa Netflix. E kaso noong tumagal ay hindi ko na talaga natiis ang gutom ko, kaya ayun.
I decided to eat sa KFC since wala akong maisip na iba and that's my all time favorite. I also bought foods for my friends kasi baka pagdating nila ay kailanganin nila ng makakain. Then I went to the convenience store to buy chips and drinks for midnight snacks.
Pagbalik ko sa condo ay nilagay ko na agad sa ref ang pagkaing binili ko para sa mga kaibigan ko at nagdikit ng note sa pintuan ng ref. Matapos nun ay dumiretso ako sa sala para ituloy ang panonood ko ng Stranger Things sa TV namin.
I was busy watching nang tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa center table. Pinause ko muna ang palabas bago ko 'to kinuha. Then I saw my Mom's FaceTime request.
"Hi, Mommy!" sabay kaway ko sa screen. Kumaway din siya tapos itinapat ang camera kay Daddy na busy sa panonood ng TV.
"How are you, sweety? Are you going home tomorrow?" Mommy said, all smiles.
"Yeah," I anwered, sabay kain ko ng chips.
Mabilis na nawala ang ngiti sa mukha ni Mommy. "That's not healthy, Khaleesi!" nakasimangot na saad niya.
I laughed. "I know. Chill ka lang, minsan lang naman, e," I defended. Totoo naman. Minsan lang talaga kasi alam kong hindi rin talaga healthy lalo na sa'ming mga athletes ang junkfoods.
"Ang tigas talaga ng ulo mo!" sabi ni Daddy at iiling-iling pa.
"Yeah, right," sabi pa ni Mommy. I scratched the top of my nose.
Ugh, bakit ba sobrang healthy living naman kasi ng buong pamilya ko!?
As in sobra! I get it naman kung bakit. My father was a professional basketball player, he's now the current head coach of San Miguel. While my mother is a former UAAP volleyball player from UST, she's now a neurosurgeon. Tapos Kuya is also a successful basketball player like Daddy. We're a family of athletes, vegetable salad ang snack namin at exercise and workout naman ang bonding.
I can still remember the first time Tangerine and Blythe na nagdinner sa bahay namin. Sobrang ayaw na raw nila bumalik kasi halos puro gulay 'yung foods. Pero siyempre, they can't say no kay Mommy kaya naman isang imbita lang sa kanila, go agad.
BINABASA MO ANG
The Game of Fools
Novela JuvenilAnna Khaleesi V. Solano & Joaquin Lorenzo S. Ricafrente