Prologue

49 17 33
                                    

"Dandaleon High"

Muling basa ko sa isang Internet site na bigla nalang nagpop-out sa screen ng laptop ko. Base dito tumatanggap sila ng scholarship pero advance questions ang nakapaloob sa test exams. At base din dito pwede kang mag-enroll through online at kumuha ng scholarship sa mismong website nila kayo no need na para pumunta sa mismong paaralan nila.

Maganda itong opportunity sa katulad kong working student at ulila na sa buhay. At isa pa nabasa ko din na first 3 months na pagsisimula ng school year ay may ibibigay sila sa bawat estudyante na advance electronic device na magagamit namin sa boong school year. Ang bongga naman pala nitong eskwelahan na'to.

Iniscroll down ko ang page nila at nagpatuloy magbasa, nakapaloob din dito na titira kami sa mga dorm na nakaassign samin for the whole school year. Nasa loob na rin ng campus lahat ng mga pwedeng puntahan like groceries, mall, boutiques, arcades, restaurants and others.

Biglang namilog ang mga mata ko at inimagine kung gaano kalaki ang eskwelahan. Ang swerte ko kung makakapasok ako doon.

Iniscroll down ko pa pero napasimangot ako dahil wala na palang katuloy kundi "Enjoy and have fun"  lang. Ano to laro? Pero walang masama kung susubukan. At isa pa ay libre naman ang pagkuha ng entrance exam.

Tumipa ako sa laptop na gamit ko para simulan na ang entrance exam ko pero nagtaka ako nang magpop out sa monitor ng laptop ang pang grade 6 na test question. Ilang beses kong ni refresh pero ganon parin ang lumalabas. Pinaglololoko yata ako ng site na to. Ano ako bata?!

Pero dahil sa libre at wala naman mawawala kaya sinagutan ko na lamang ang test questions na nakalagay. Nang matapos ay kinlik ko ang pass at may nagpop out ulit pero iba naman. Its about me yung nasa birth certificate mga ganun.

Pagkatapos kong ilagay ang lahat ng nasa birth certificate ko ay humingi pa ito nang picture ko na hawak hawak ang birth certificate ko, pagkatapos ay pinasa ko na.

Nagpop out sa monitor ang mga katagang "Thank you. You may know the results within a few minutes."

Nangunot ang noo ko nang mabasa iyon. I tried to wait a few minutes na sinasabi niya pero wala naman nangyari. I also gave all my emails, phone number, my accounts name pero wala. Tsk! Anong maasahan ko sa libre diba.

Sinarado ko na ang laptop ko at humiga na. Kasalukuyan akong umuupa malapit sa pinagtatrabahuan ko. Biglang tumulo ang luha ko nang biglang maalala ko ang nangyari sa mama at papa ko.

I am only child, ganon din sila mommy at daddy. Sila na nga lang ang mayroon ako pero nawala pa. Naaksidente daw ang minamanehong sasakyan ni daddy at kasama doon si mommy. Ang sabe pababa daw sila nang baguio pauwi pero bigla nalang daw nawalan nang preno ang sasakyan nila. Nahulog ito sa bangin at doon namatay sila mommy.

Wala akong magawa dahil aksidente iyon. Pero hindi eh, may iba, may mali sa imbestigasyon nila. Napahikbi ako nang dahil doon, ayokong may makarinig sakin na kadorm mate ko dahil ang alam nila malakas ako at siga.

Napangiti ako nang mapait, dahil doon. I hate myself from hiding the truth. Ayoko na, tumagilid ako at nagpasya nalang na matulog ayoko nang umasa sa kahit ano.

"Happy Birthday Abby, happy 18th birthday" bating sambit ko sa sarili ko.

I am Jamila Abigail Hernandez.

Welcome to Dandaleon High.

Dandaleon HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon