ABIGAIL'S POV
Naalipungatan ako dahil sa kalabog na narinig ko. Iminulat ko ang mga mata ko at napansin nasa isang silid aralan ako. Tumingin ako sa pinanggalingan kanina ng kalabog at nakita ko ang isang babaeng nakaupo at nakasubsob ang mukha sa pagitan ng mga binti nito.
Tumayo ako para lapitan ito kahit nahihilo pa ako. Nakakatatlong lakad pa lamang ako nang bigla siyang magsalita na ikinagulat ko.
"Huwag kang lalapit. Dyan ka lang sa pwesto mo."
Seryoso at mataray nitong sambit pero may iba sa boses na ito na hindi ko malaman kung ano. She's murmuring something na hindi ko maintindihan.
Napagpasyahan ko na lamang na libutin ang buong silid aralan. Una kong napansin ang magulo at makalat na mga upuan at mesa, pangalawa ang mga mesa ng guro na puro tadtad at parang pinagsibakan ito ng kung ano, pangatlo bakit kaming dalawa lamang ang nasa classroom na ito at pang-apat ang nakasulat sa blackboard.
Congratulations on enrolling
A new term has begun.
A fresh start.
This school will become the world you guys live in.P.S @12 o'clock. Assemble in the gymnasium.
The entrance ceremony starts.Agad kong tiningnan ang wrist watch ko and it's 11:47 na. Hindi ko alam kung gabi na ba o umaga na dahil sa natatakpan ang mga bintana ng steel type na bakal at naglalakihang mga turnilyo. At ang tanging nagsisilbing ilaw lamang ay ang ilaw na nandito sa loob.
"Let's go. Kailangan na nating pumunta sa gym miss."
Aya ko sa kanya. Tinapunan ako nito ng masamang tingin pero buti naman at tumayo ito tsaka naglakad papunta sa may pintuan.
I wonder kung nasaan ang ibang estudyante dito. Baka nauna na sila sa gym. Pero bakit? Ano iyon nakatulog ako sa klase ganon?
Sinundan ko na lamang siya sa paglabas ng silid kahit na maraming bumabagabag sa isip ko, siya na din nagbukas ng pintuan para sa amin. Bumungad naman sa amin ang madilim na pasilyo ng paaralan at tanging nagbibigay lamang ng ilaw ay ang mga mumunting ilaw na kulay violet pero sapat para makita ang dinaraanan namin.
"Bago ka lang ba dito?"
Biglang usal nito habang naglalakad kami. Nasa unahan ko siya at nasa likuran niya ako kaya hindi ko alam kung ano ang ekspresyon mayroon siya ngayon.
"Oo kaka-enroll ko lang. Bigla kasing nagpop-out yung website ng school na ito tapos may libreng entrance exam pa sila. And luckily nakapasa naman ako. Kaya nandito ako ngayon. "
Mahabang paliwanag ko sa kanya. Sandali itong napahinto sa paglalakad pero nagpatuloy din ulit. Narinig ko din ang malakas na buntong hininga nito. May hika ba siya?
"You know what? You shouldn't be here."
Makahulugang sabi nito na nakapagpakunot ng noo ko. Ano yun? Hindi ba ako welcome dito para sa kanya?
"Anong ibig mong sabihin? Am I not welcome to this weird school?"
Deretsong sabi ko sa kanya at talagang pinagkadiinan kong ang salitang weird. Totoo naman talagang weird, dahil unang-una bakit puro sarado ang bintana ng steel type na bakal at tanging ilaw lang ang nagsisilbing ilaw namin. At isa lahat ng madaanan namin sa hallway ay magulo, mga basag na vase at nagkalat na basura. Anong nangyari dito, dinaanan ba ito ng delubyo?
"That's not what I meant. It just---nevermind."
Putol nito sa kung ano man ang sasabihin niya. Pa intense lang? Pero sa totoo lang mejo nakikilabutan na ako sa paligid. Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa gym, siya na din ang nagbukas ng pinto nito habang ako ay nakasunod lamang sa kanya.
BINABASA MO ANG
Dandaleon High
Mystery / ThrillerA school full of mystery. A school that no hope exist. A school of DESPAIR lives. A school when killing is must. Are you sure, do you want to enter? If yes, then WELCOME TO DANDALEON HIGH.