ABIGAIL'S POV
Lumipas ang ilang araw at masasabi kong wala naman nangyari sa mga araw na iyon. Ibig kong sabihin hindi pa kami nababawasan at nagpapasalamat ako dahil doon. Pero may pagbabagong nangyari nang magising kami at tinipon ulit sa loob ng gym.
Natanggal ang mga nakatakip na steel plates sa mga bintana, mga dati'y sirang gamit sa loob ng classroom ay naayos na parang walang nangyari,mga nagkalat na basura sa corridor ay nalinis pero hindi naalis ang mga cctv camera sa bawat sulok na animoy binabantayan parin kami.
Narito na kaming lahat sa loob ng gym at hinihintay nalang ang sasabihin sa amin ng stuff toy na kanina pa walang imik na nakatayo sa gitna ng stage at parang sinusuri kami.
"Ano bang kailangan mo sa amin? Nagbago na ba ang isip mo dahil nakonsensya ka na kung sino ka man na hayop ka?" galit na galit na sabi ni Raven sa stuff toy na nasa harap namin. Raven Hieir Smith kilala bilang Top Raider sa dati niyang paaralan mahilig sa kahit anong karera at mahilig din sa basag ulo kaya hindi na ako nagtataka kung bakit sinakal niya noong una ang stuff toy na nasa harapan namin na kamuntikan na niyang ikamatay.
"Hahaha mainipin ka talaga Raven, hindi na din ako magtataka kung ikaw ang unang mawawala sa grupo niyo. Hahaha binago ko na ang rules, binuksan ko ang paaralan dahil na din para masulit ko ang ibinayad ko dito. At syempre para marami kayo at para maging masaya ang larong ibinigay ko sa inyo since wala akong nakikitang improvement na nagpapatayan kayo. Kaya eto binuksan ko ang paaralan para sa lahat ng gustong pumasok."
Mahabang paliwanag nito sa amin. Naikuyom ko ang mga palad ko dahil sa sinabi niya, anong klaseng tao siya? Wala siyang puso kung sino man ang nasa likod nito. Talagang mandadamay pa siya ng mga inosenteng tao para lang sa kasiyahan niya?
"Bakit mo ba kailangang gawin ito! Ano bang kailangan mo sa amin at pati ibang tao ay idinadamay mo sa kalokohan mo!" galit na sigaw ni Kristine. Hillary Kristine Scollhammer ang fashionista at model sa paaralan nito, habulin ng lalake, mukhang anghel pero may taglay na kasungitan. Siya yung babaeng nakapigtail ang puti nitong buhok at may aura na masungit pa siya sa masungit.
Gusto kong magsalita pero parang may nakabarang kung ano sa may lalamunan ko na pumipigil para magsalita ako. Wala akong matandaan na kahit na sinong nakaaway ko pero bakit pati ako nadamay sa gulong ito.
"Just for fun, ang boring naman kasi kung walang exciting na magaganap sa high school life niyo diba? Kaya heto bilang pabuya sa mga rank niyo sa dati niyong paaralan ay binigyan ko kayo ng exciting pa sa exciting na high school life. Bukas ay magdadagsaan ang bawat estudyanteng nakapag enroll sa paaralan na ito bukod sa inyo ay kagaya niyo dito din sila maninirahan. Ang bait ko diba? Pinapatuloy ko kayo dito sa paaralan ko ng libre, hahaha"
Sabi nito sa amin habang patawa-tawa pa sa harap namin.
"Bibigyan ko kayo ng device para sa points niyo na magagamit niyo para sa mga bilihin niyo sa mga facilities na nakapalibot sa buong campus. Sa unang tatlong buwan ay makakatanggap kayo ng tag-100,000 points o katumbas ng isang daan libong piso. At sa tatlong buwan na iyon ay hindi pwedeng pumatay. Pero pagkatapos ng tatlong buwan na iyon ay hindi na kayo makakatanggap ng kahit anong points unless ay pumatay kayo ng isa sa inyo o isa sa mga estudyanteng naririto sa loob ng campus. Katumbas ng isang estudyanteng mamamatay ay isang daan libong puntos para sa nakapatay dito. Ang ganda diba, bawat papatayin mo may 100,000 pesos kang makukuha hahaha"
Ibang klase ang patakarang tumatakbo sa utak niya. Walang umimik dahil doon pero makikita sa bawat mukha nila ang takot pero tinatakpan lang nila ito ng tapang. Biglang may parang mesa na dahan-dahan umaangat sa harap namin lahat at makikita dito ang device na sinasabi niya para lang siyang cellphone pero dati nakapaloob ang points o perang magagamit namin para sa mga kakailanganin namin.
BINABASA MO ANG
Dandaleon High
Mystery / ThrillerA school full of mystery. A school that no hope exist. A school of DESPAIR lives. A school when killing is must. Are you sure, do you want to enter? If yes, then WELCOME TO DANDALEON HIGH.