Chapter 1

42 15 22
                                    

ABIGAIL'S POV

Naalipungatan ako dahil sa pagkalabit sakin nang dorm mate ko. Pagdilat ko tumambad sakin ang nakakatakot nitong mukha. Hindi naman sa nakakatakot, yung ayos niya lang kasi parang mangkukulam.

"Ano ka ba kanina ba nagva-vibrate yang cellphone mo hindi mo man lang maramdaman."

Sabi nito habang nagsusuklay ng buhok niyang buhaghag. Base sa tantya ko ay mukhang kagigising lang din niya. Bumangon ako at nagkusot-kusot nang mata tsaka ko kinuha ang cellphone kong nasa side table ng hinihigaan ko.

"Baka sa karinderya lang ito ni Aling Bebang, maniningil nanaman siguro."

Pupungas pungas kong sambit habang binubuksan ang cellphone ko. May 18 miss calls at 20 text messages, ang iba ay galing nga kay aling bebang na nagsasabing kailangan ko na daw itong bayaran at ang iba ay galing sa mga kaibigan ko sa paaralan, pero may isang text message na nagpagising sa diwa ko. Text message na galing sa paaralang ininrolan ko kagabi lamang.

From: +63927*******

You have passed the online entrance exam of Dandaleon High, please bring your original birth certificate and original self. Including your personal belongings tomorrow at exactly 8 o'clock in the morning at (insert place here). You will stay inside of the campus dormitory for the whole school year.

-SOHM

"Waaaaaahhhhhh!!!! Ahhhhhhhh!!!!!"

Sigaw ko kaya nagsitakbuhan ang mga kasamahan namin sa dorm sa kwarto namin ng kasama ko.

"Anong nangyari?!"

Pasigaw na sabi ni Lily kasamahan ko sa trabahong pinapasukan ko at classmate ko din.

"Malay ko jan, bigla nalang nagsisisigaw. Baka nababaliw na"

Mataray naman na sabi ni Bianca na nakapag-ayos na pala. Siya yung kanina ay nang gising sakin na kanina pa daw nagva-vibrate yung cellphone ko.

"Yung eskwelahan kasi na inenrollan ko kagabi nag message sakin. Nakapasa daw ako sa entrance exam nila. Eto oh tingnan niyo yung message."

Nakita kong nanlaki ang mga mata nila nang mabasa ang message sakin nang eskwelahan papasukan ko. Laking ngiti ko silang sinalubong nang tingin nang tumingin sila sakin.

"Sus baka nantitrip lang yang nagtext sayo."

Ani Bianca tsaka nagpatuloy sa paglalagay nang make up sa mukha nito. Kulang nalang pumasok siya sa peryahan at magmumukha na siyang clown.

"Akala ko ba sarado na ang Dandaleon High. Baka tama ng si Bianca baka nantitrip lang yan."

Pagsang-ayon naman ni Kristel, dorm mate ko din pero sa ibang kwarto siya. Sinimangutan ko lamang siya tsaka hinablot ang cellphone ko na hawak niya. May pagkamakati ang kamay pa naman niya.

"Wala naman mawawala kung susubukan kong puntahan diba. Tsaka isa pa hindi naman malayo ang address na binigay. Nasa bayan pa naman yon at walang mangyayaring masama"

Mahaba kong sabi sa kanila tsaka naupo sa kama ko. Pero tiningnan lang nila ako tsaka na nila pinagpatuloy ang ginagawa nila. Narinig ko naman na bumuntong hininga si Lily tsaka lumapit sakin at tumabi.

"Baka tama sila Bianca at Kristel, abby baka prank lang yan."

Nag-aalalang sabi nito sakin habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Nag-iwas ako nang tingin dahil baka maback out ako at masayang pa ang pinaghirapan ko.

Dandaleon HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon