Wait lang

13 0 0
                                    

Isa

Dalawa

Tatlo

Apat.

Naka apat na subo ka na sa iyong pancit canton pero yung akin hindi ko pa rin nagagalaw. Saglit kang napatingin sakin sabay tanong kung anong problema.

Napangiti ako saka umiling. Doon mo na gets na hindi ako mahilig sa maanghang.

Lunes iyon ng hapon, iniwan ako ni mama kina Tita Laide para asikasuhin ang aming maliit na bakeshop pagkatapos akong sunduin mula sa school. Bago lang kayo sa subdivision katapat ng bahay nila Tita Laide kaya natuwa ako at meron na kong pwedeng makalaro tuwing hapon.

Naging magkalaro nga tayo. Ni minsan pa, inaaya mo ko sa bahay nyo para panuorin yung mga bagong series ng gusto nating palabas. At naulit ulit iyon ngayon. Sabi mo pa sakin, magluluto yung yaya mo ng pancit canton kaya sumama ulit ako.

Chilimansi.

Yun yung paborito mong flavor ng pancit canton gaya nung pinapalabas sa TV commercial para sa mga batang big boy na.

Pareho tayo ng hilig sa pancit canton. Ang kaso. Hindi ako mahilig sa maanghang gaya ng nakasanayan mo. Yung original at calamansi flavor lang yung gusto ko doon.

Kaya nung inaya moko ulit kinabukasan, natawa ako dahil meron ng calamansi saka original flavor. Pinapili moko kung anong gusto ko doon sa dalawa.

Nahihiya kong sinabi na calamansi. Napangiti ka rin tapos saka tumakbo papuntang kusina para ipaluto yung pancit canton sa yaya mo.

Yun ang naging gawi natin. Kada may bagong series, inaaya mo kong panuorin ito ng sabay kasama yung pancit canton mo na chilimansi at yung original o calamansi ko.

Hanggang sa tumuntong ako sa grade 5 at ikaw naman ay grade 6 na. Ginagawa pa rin natin yun pero hindi na kasing dalas ng dati.

Kase hindi na uso yung series na kinalakihan natin. Hindi na uso yung halfday sa klase mo dahil lumipat ka sa isang public school. At hindi mo na rin trip kumain ng pancit canton gaya ng dati.

Nang mag highschool, mas dumalang yung pagkikita natin. Hindi sa wala na tayong time. Mas priority mo lang kase yung girlfriend mo kesa sa kababata mo. At naintindihan ko yon. Hindi naman ako nangulit. Mas naging priority ko rin kase yung pag aaral ko kesa sayo.

Nawala yung dating gawi. Yung maghapong panonuod ng series. Yung walang sawang pancit canton. Yung bawat tawa at asaran. Kahit yung pangungulit mo na subukan ko yung chilimansi, na hindi ko ginawa, ay wala na rin.

Nawala yung dating tayo.

Kase may kanya kanya na tayong mundong ginagalawan. Magkaiba din naman kase tayo ng pinapasukang eskwelahan. Ako sa isang public science highschool at ikaw sa isang sikat na private school.

Ni hindi na natin ganon kakilala ang isa't isa. Nung minsang nagpunta ako sa subdivision nyo para maghatid ng cake na inorder ng mama mo ay nagkahiyaan pa tayo.

Hindi moko nilapitan. Ngumiti ka lang sakin saglit ng sabihin ni Tita na nandito na ako, ang iyong kababata saka kalaro noong elementary pa tayo.

Hindi dapat ako magtatagal pero dahil birthday ng mama mo kaya hindi ako nakatangi nang pilitin nya kong kumain muna sa loob. Sununod ako, habang ikaw, naiwan sa labas, umiinom kasama yung mga kaibigan mong lalaki.

What's left, UnsaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon