Naalala mo pa ba?

262 3 2
                                    

"May mga bagay sa
mundo na hindi mapapasayo pero mamahalin mo."



Naalala mo pa ba?

Naalala mo pa ba? Nung mga panahong masaya pa tayo? Yung aasarin mo ko tas aasarin din kita pabalik. Yung kahit ang corny ng jokes pero dahil mahal kita tatawa ako.

Naalala mo pa ba? Yung pag gising ko sa umaga, excited agad akong buksan yung phone ko kase baka may message mo. Yung mga unexpected long messages mo na sobrang nakakapag pangiti sakin. Yung mga banat mo na kahit corny, kinikilig ako pero hindi mo alam yun kase di ako showy tulad mo.

Naalala mo pa ba? Yung mga panahong halos buong araw tayo magkausap pero hindi ka manlang naumay kase sabi mo namimiss mo agad ako. Yung mga gabing ayaw moko matulog muna kase gusto mo pa ko kausapin. Yung madaling araw na pero tatawagan mo pa ko para gisingin kase namimiss moko.

Naalala mo pa ba? Yung lagi tayo nag aaway kase nagseselos ka sa mga nakakausap ko. Kase ang possessive mo sakin. Gusto mo ikaw lang kausap ko kase ako lang naman kausap mo lagi. Alam ko yun. Yung mga panahong pinagseselos moko pero hindi talaga ako nagseselos kase may tiwala ako sayo kaya naasar ka. Sorry na, Alam ko naman kase na ako lang talaga mahal mo eh.

Naalala mo pa ba? Yung mga panahong nagtatampo ka sakin kase ang tagal ko magreply at feeling mo ang dami ko ng kausap pero yung totoo kumain lang talaga ako. Yung mga times na nagagalit ka kase hindi ako nagpapa alam sayo at pinaghintay kita sa reply ko pero in the end nag away lang tayo at ikaw pa ang sumuyo sakin para magbati na tayo.

Naaalala mo pa ba? Yung mga panahong ang bilis ko maasar sayo, inaaway kita ng walang dahilan at lagi akong badtrip pero iniintindi mo nalang ako at yung kasungitan ko kase alam mong tinotoyo lang ako. Yung ayaw mo ko patulugin na magkaaway tayo, gusto mo ayusin at pag usapan muna natin yung problema.

Naaalala mo pa ba? Yung mga panahong gusto mo na sumuko sakin kase feeling mo wala lang lahat sakin, na feeling mo lahat ng efforts mo hindi ko naaapreciate, na hindi ka mahalaga sakin pero believe me sobrang mahalaga ka sakin alam mo ba yun?

Naaalala mo pa ba? Yung madalas na away natin kase masyado ng complicated yung lahat? Pero hindi kita binitiwan alam mo ba? Ni minsan hindi ko naisip na sumuko kahit sobrang pagod na pagod na ko. Kase ayokong mawala ka sakin. Ayokong mawala ka ng di ko nasasabi sayo to.

Naaalala mo pa ba? Naaalala mo pa ba lahat lahat yun? Kase ako oo. Kahit kelan hindi ko nakalimutan lahat lahat tungkol sayo. Tungkol satin.

Walang araw na hindi ka sumagi sa isip ko. Iniisip ko kung kamusta ka na ba? Kung may nakakausap ka na bang iba. Kung masaya ka ba. Kung ni minsan ba naisip mo rin ako kahit konti? Kung bakit biglang nawala yung dating tayo.

Naaalala mo pa ba?

Siguro hindi na.

Siguro okay kana.

Siguro naka move on kana.

Siguro wala na lang ako sayo ngayon.

Siguro masaya kana.

Pero ako, sobrang naaalala ko parin lahat. Minsan binabalik balikan ko yung mga usapan natin.

Namimiss na kita, yung dating ikaw, yung dating tayo. Pero alam ko na hindi na mababalik yung dating tayo. Kaya tanggap ko na. Siguro hanggang dito nalang talaga.

What's left, UnsaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon