How Long would LIFE be?

286 12 8
                                    

Bigla nalang pong sumagi sa isip ko itong story na toh habang nagmumuni-muni ako.. :)) Inspired by True Story po ito. :)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nakikita ko ang sarili kong katawan.

Nakahiga sa puting kama. At nakapikit.

Nasa isang upuan malapit sa kama ko ang Aking mga kapatid, at natutulog naman sa isang simpleng sofa ang mama ko.

Mahimbing na natutulog ang sarili kong katawan sa loob ng isang mapayapa at tahimik na kwarto.

Minsan, sobrang ingay dito. Sobrang saya. May mga kaibigan akong nag-i-stay dito habang may dalang iba't ibang klase ng chichirya at mga cupcakes. Minsan eh nagdadala rin naman sila ng juice. Makikita ko silang naka-suot pa ng uniporme at halatang nanggaling sa paaralan. Nagkukwento sila ng kung ano-ano.. Masasayang bagay.. Mga nakakatawang karanasan.. Mga kalokohan.. AT kung ano-ano pa.. At ako naman, Masaya akong nakikinig sa kanila.

Minsan naman eh sobrang tahimik dito. Ang mga kapatid ko na hindi mapakali at palabas-labas ng kwarto. Minsan naman ay nanunuod nalang sila ng TV. Minsan eh kumakain ng mga pagkaing dinadala ng mga bisita.. at minsan ay natutulog sila.

Minsan din, ay nag-iiyakan sila. Lalapit sila isa-isa sa akin at magkukwento ng mga hinaing. Hanggang sa makita ko nalang na may tumutulo nang luha sa kama. Madalas na nangyayari toh.. At madalas, na ang nanay ko ang umiiyak sa tabi ko.

At minsan din... O MADALAS nga.... eh may isang grupo ng mga naka-puti ang papasok sa loob ng kwarto upang lapitan ako at pag-aralan. Kung anu-ano ang kinukuha nila sa akin... temperatura, Blood pressure, Dugo, Heart rate.. at kung anu-ano pa. Lagi nilang kinakausap ang maaabutan nilang kasama ko dito.. At madalas din nila akong kausapin..

Masaya ako sa mga nakikita at mga naririnig ko.  Natutuwa ako dahil may panahon sila para sa akin.. Natutuwa ako dahil nakikita kong maraming nagmamahal sa akin...

Pero iba sa kanila... Hindi nila alam kung malungkot ba ako o masaya. Kung anung emosyon ko. Kung naririnig ko ba sila......

Dahil COMATOSE ako..

FLASHBACK

Katatapos lang ng Recognition namin ngayon. Masayang-masaya kami dahil nakatapos na kami ng 3rd year of High school... Isang taon nalang.. KOLEHIYO na kami..

Isa lang akong simpleng babae na may simpleng pangarap sa buhay. Nais kong maging MADRE pag dating ng panahon.

Oo. Gusto kong maging Madre.. Kasi pakiramdam ko, napakalapit ng loob ko sa Panginoon. Pakiramdam ko eh tinatawag nya ako upang mapagsilbihan sya. Nararamdaman ko ang presensya nya. 

Lahat tayo ay tinatawag ng Diyos upang paglingkuran sya.. Ngunit iilan lang talaga ang tumutugon sa imbitasyon nya, at isa na ako dun sa iilang tao na gusto syang paglingkuran ng buong puso.

Noong una, ayaw talaga ng pamilya ko na maging Madre ako, tutol silang lahat.. Dahil, bakit daw ako magmamadre? Wala namang mararating sa buhay yun... Pero iisa lang ang palagi kong sinasagot sa kanila... "Hindi mo madadala sa kabilang buhay ang titulong makukuha mo mula sa pagiging inhinyero, doktor, abogado o guro.. Ngunit ang pagmamahal ng Diyos para sa iyo, ang nag-iisang bagay na maaari mong dalhin kahit saan at hinding-hindi mahihiwalay sa iyo."

Ngayon, alam ko na tanggap na nila kung anu man ang pangarap ko sa buhay. Kani-kanina lang bago matapos ang recognition namin, eh binigyan ako ng mama ko ng isang maliit na kahon. Ng binuksan ko ito ay nakita ko ang isang napakagandang kwintas na may nakasabit na magandang krus. Mukang mamahalin ito. Tinignan ko ang muka ng mama ko nung binigay nya ito sa akin.. Nakita ko ang isang hindi matatawarang ekspresyon... Maaliwalas ang ngiti sa kanyang mga labi. Walang pag-aalinlangan nya itong isinuot sa akin, na naging tanda ng pagpayag nya sa napili kong propesyon.

My One Shot Stories <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon