Share

218 4 3
                                    

Share this within 20 minutes, or else, you'll see me behind you...

isang litrato ng duguang babae ang kaakibat nitong katagang nabasa ko sa facebook.

Duguan ang muka ng babae. Nakasuot sya ng kulay gray na damit na nababalutan na ng dugo na nanggaling sa kanya. May benda sya sa ulo, at ang muka nya, ay natatakpan na ng buhok nya. Isang mata nalang ang mapapansin sa kanya, at ito'y kulay puti na, na may unting pula.

Kinilabutan ako dito.. pero, sino ba namang tanga ang maniniwala sa ganyan?> Tsk! PHOTOSHOP ang wola! Eh kahit ako kaya kong gawin yan eh! Sino bang pinagloloko nila?

Nakaka-bad trip lang eh.. Kaya iniscroll; down ko nalang para makahanap pa ako ng ibang picture o kung ano sa facebook.

Palibhasa wala nang kwenta facebook ngayon eh. Sobrang nakakatamad na! Halos lahat kasi, TWITTER na yung pinagkakaguluhan.. Tss.. di ko naman maintindihan yong twitter na yun eh! Pampagulo lang sa buhay ko.

Tinatamad naman akong gumawa ng assignment ko. May makokopyahan naman siguro ako bukas eh.. kaya.. bahala na! Eh sa nakakatamad mag-aral eh, Pake ba nila?

Scroll....

Scroll....

Scroll...

Wala namang bago dito sa pesteng facebook na toh eh! Makapaglaro na nga lang muna!

Sa kalagitnaan ng paglalaro ko, ay nakarinig ako ng mga yabag mula sa labas ng kwarto ko.

Agad akong tumakbo palabas ng kwarto. Ako lang kasi ang tao ngayon dito. AT uso ang magnanakaw sa lugar namin. Baka akala nila walang tao dito. Patay kasi lahat ng ilaw Tinatamad akong buksan.sayang sa kuryente..

Pero ngayon, natatakot ako na baka nga may magnanakaw na nakapasok, kaya binuksan ko lahat ng ilaw at kumuha ng maaari kong ipanghampas sa magnanakaw.

Wala. Wala akong nakita. Naka-lock pa rin ang pinto. Nakasarado pa rin ang bintana. Wala namang nabago sa bahay namin.. Guni-guni ko lang siguro ang lahat.

Lumapit muna ako sa lababo namin upang maghilamos. Baka kasi sobrang antok ko na...

Habang naghihilamos ako... ay napatingin ako sa gripo...

DUGO!!! DUGO ang lumalabas mula sa Gripo!!

 Napa-atras ako hanggang sa makatapak ako ng basang basahan na naging dahilan ng pagka-dulas ko..

AT ayun. nagising ako sa katotohanan.. nakabukas pa rin ang gripo at nasasayang ang TUBIG... oo. TUBIG ang lumalabas sa gripo..

WHEW.. sobrang antok ko na talaga! babalik na nga lang ako sa kwarto! Tsk!

Naalala ko lang bigla... di ko pa pala na-la-log out yung fb ko..

Nandito na naman yung picture nung babaeng duguan na nakita ko kanina!

Sus! Kalokohan! Scroll lang ulit.

Scroll...

Scroll..

YUN AT YUN LANG ANG NAKIKITA ko sa facebook!

T-tae! Ki-kinikilabutan na ako! T-tss! Re-restart ko na nga muna! baka naman nagloloko lang...

Pinindot ko ang restart button...

Pero imbis na mamatay ang computer namin... Litrato ng babaeng duguan na kanina ko pa nakikita sa facebook ang lumabas sa screen.

Aha-ha-ha... Hi-hindi na nakakatuwa toh...

*face palm* ... sino bang nantitrip sa akin? Ha- ha- ha...

Umupo muna ako saglit sa lapag dahil nahulog ako mula sa silya ng mabigla ako sa lumabas sa screen namin..

Nang may tumulong Dugo sa muka ko..

DUGO...

PATAK ng DUGO....

AT nangganggaling ito sa ibabaw ko..

Fresh pa ang tumutulong dugo...

Tuloy-tuloy ito..

Walang hinto..

Unti-unti akong tumingala...

nakita ko ang isang babaeng duguan..

Nakaupo sya sa upuan sa likod ko. Nakayuko sa akin. May benda ang ulo nya. nakakatakot ang mata nyang puti na may unting pula. Nakakatakot ang ngiti nyang may halong pagbabanta at pananakot...

Binuksan nya ang bibig nya saka may tumulong dugo mula dito at naglabasan ang iba't ibang insekto..

I-share mo itong kwentong ito.. at kung hindi.... MAKIKITA MO AKO SA LIKOD MO....

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Note: Baka Hindi kayo makatulog. Char char lang yung last part! hahahahah! Baka kasi paniwalaan nyo bigla.. xDDD

~CrazyLittleDreamer~

My One Shot Stories <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon