Di ko pala naikuwento sa inyo. Ang kuwento sa likod ng pagkatao ni Angela , Kung bakit wala siyang ekspresyon at kung bakit sintalab ng dating ni Roxas ang kaniyang pang-unawa.
Pahapiyaw na Introduksyon lang.
Mukhang isang karaniwang highschool student siguro mga 14-15 years old. Mahaba ang buhok na gaya nang sa mga model ng conditioner yung parang edited. Maputi, mapungay na mata, makitid na labi, at height na pinagkaitan. Maganda si Angela kung sa maganda. Maganda siya kung titingnan sa perspiktibo ng karaniwang Pilipino(mga Pilipino pa masmalayo sa kinagisnan mas maganda, which is ako rin naman), mukha siyang koreanang punggok, pero alam mo rin naman na Pilipino siya.Ngunit gaya nang sabi niya ang kagandahang ito ay ibinase ko sa aesthetic. Kagandahan ng mga bagay bagay sa pananaw ng tao, at ang problema ay di siya tao.
Isang Barrel si Angela, medium na naglalaman ng maraming kaluluwa. Doll type Barrel, manikang walang buhay, bale bangkay ang medium na ginagamit niya. Ang mga doll type barrel ay may main soul, sa kaso ni Angela ay si Angela mismo ang main soul ng katawan.
Ang mga souls ay may kakayanang magturnover ng katawan. Ang proseso kung saan ipinapasa ng isa sa mga soul ang control sa medium. Pero tanging main soul lamang ang may kakayanang magclaim. Ang claim naman ay ang proseso kung saan kukunin ng main soul ang control ng katawan mula sa ibang soul.
May anim na souls si Angela, kasama na yung sa kaniya, pero tatlo pa lamang don ang nakita kong nagturnover;
Si Bruce kuwan Law, Isang ekspertong martial artist. Nung magturnover siya dati ay biglang lumiksi ang katawan ni Angela, bigla rin nagbago ang gestures nito, hindi ko rin maintindihan ang mga pinagsasabi niya.
Si Kenshin Himura, sa tingin ko di niya tunay na pangalan, eksperto sa paggamit ng samurai. Malupit din tong isang to dahil di siya karaniwang samurai. Kasama ng espirito niya ay ang kaniyang samurai na espesyal, kumbaga sa mga RPG eh may enhancement yung samurai niya. At di ko rin pala siya maintindihang magsalita.
Si Adhu lifem, Isang muslim pero marunong magtagalog, bukod sa kris ay eksperto rin ito sa paggamit ng arnis. Tulad ni Kenshin ay espesyal din ang mga sandata ni Adhu, may sarisarili din itong kapangyarihan. At dahil marunong magtagalog ay naiintindihan ko siyang magsalita.
Sabi ni Loro ay kasama sa proseso nang paggagawa ng Doll ang pagbura sa memorya ng orihinal na may-ari ng katawan. Ito ang dahilan kung bakit walang naaalala si Angela tungkol sa buhay niya noong nabubuhay pa. Ang memorya daw ang nagiging bond ng katawan mula sa kaluluwa at ang bond na ito ay isang balakid sa pag tuturnover ng ibang soul. Kaya yun nga tinatanggal ang memorya ng main soul.
Dahil sa pagkawala ng memorya ni Angela, ay tanging tira tira lamang ng pagkatao ang nanatili sa kanya, pano huminga, pano lumakad, kumain(na di nanaman niya kailnangan), makipag-usap at iba pa. Ngunit ang mga abstraktong konsepto na pinag-aralan niya noong nabubuhay pa ay naglaho na kasabay ng mga karanasan. Kaya ang ending mangmang na bata. Naglalakad na bangkay ng magandang dilag, walang emosyon, walang dalang kahit ano kundi anim na pagkatao.
BINABASA MO ANG
Kalahati- Arc[ An Angel's story]
FantasyKung usapang Bipolar siya na ang bida, dahil di lang dalawang katauhan ang meron siya. tatlo? apat? lima? guess what .. anim and counting. Ang kuwentong ito'y para kay Angela kung paano at bakit siya naging mala anghel na zombie, at lalong kung baki...